Showbiz News

Mysterious and romantic afternoons starting October 6

By AL KENDRICK NOGUERA

 
Mga Kapuso, madaragdagan ang inyong hapon ng dalawang kakaibang show na handog sa inyo ng GMA simula next week, October 6.
 
Back-to-back drama
 
By 2:30 p.m., tutukan lamang ang unang drama na magpapawala ng inyong antok during siesta time na The Half Sisters. Susundan naman agad nito ng Dading na magsisimula naman ng 3:15 p.m.
 
Ang Lihim ni Annasandra
 
At siyempre, pagkatapos kayong paiyakin ng dalawang naunang teleserye, may bago kayong tutuklasin sa Ang Lihim ni Annasandra pagpatak ng 3:45 p.m. Sa mga naghihintay ng pagbabalik-tambalan nina Andrea Torres at Mikael Daez, ito na ang pagkakataon ninyong makita sila onscreen.
 
Ibinabalik ng Ang Lihim ni Annasandra ang nakasanayang fantaserye sa hapon. Kuwento ito ng isang babaeng isinumpa para pagbayaran ang kasalanan ng kanyang ama. Itatago ni Annasandra at ng kanyang pamilya ang kanyang lihim para protektahan siya sa mga tao.
 
Ano kayang misteryosong lihim ang itinatago ni Annasandra? Hanggang kailan kaya niya ito maitatago sa mga taong nakapaligid sa kanya?
 
Public affairs
 
Pagpatak ng 4:25 p.m., time first muna sa drama at manood ng inyong paboritong Public Affairs shows na Alisto (Monday), Tunay na Buhay (Tuesday), Power House (Wednesday), Reporter’s Notebook (Thursday) at Love Hotline (Friday).
 
Heart of Asia 
 
Siyempre, hindi mawawala ang Koreanovelas na inyong inaabangan na uumpisahan ng May Queen pagsapit ng 4:50 p.m. Magsisimula naman ng 5:20 ang nagbabalik na Full House.
 
Seasons of Love
 
Bago tuluyang lumubog ang araw, manood muna ng naiibang show na Seasons of Love na ipapalabas mula Lunes hanggang Huwebes simula 5:50 p.m. Apat na nakakakilig na istorya ang ibabahagi ng GMA sa inyo buong Oktubre. Iba’t-ibang klaseng love stories ang ipapalabas sa 4-part story per week na siguradong magpapasaya sa inyong mga gabi.
 
Tunghayan ang episode one na pinamagatang My Soulmate, My Soulhate na gagamapanan nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia simula ngayong Lunes, October 6.
 
Mga Kapuso, abangan ang mas kumpletong GMA Afternoon Prime simula next week, pagkatapos ng Eat Bulaga.