Showbiz News

Dingdong Dantes, nakiisa sa Climate Walk

By CHERRY SUN
 
Nakiisa si Primetime King at National Youth Commissioner-at-Large Dingdong Dantes sa pagsisimula ng Climate Walk kaninang umaga.
 
Nagtipon sa Luneta ang iba’t-ibang environmental advocacy groups at personalidad upang magsulong ng programa kontra climate change. Isang libong kilometro ang kanilang tatahakin at inaasahang makararating sila nang November 8 sa Tacloban.
 
Ayon sa mga environmental advocates, ang tindi ng pinsala ng Yolanda sa Tacloban ay isa lamang sa maraming manifestations ng climate change.
 
Ani Dingdong, “Nakakahanga na you know people are taking these steps. Ika nga nila, walk the talk. So kahit mga maliliit na hakbang, basta alam mong may kailangan ka nang gawin ngayon lalo na ‘yung kabataan. You know, small things matter.”
 
 
Nasa pagbubukas din ng programa kaninang umaga sina Noel Cabangon at Commissioner ng Climate Change Commission na si Yeb Saño.
 
Ayon sa singer-songwriter, “Malaking bagay ang musika sa pagpo-promote ng ganitong adbokasiya dahil ang musika, powerful, very persuasive. It’s a non-violent means of advocating different causes particularly with this one.”
 
“Magtulong-tulong tayo para tayo makatalon, maka-leap frog doon sa malinis na uri ng pag-unlad dahil ‘yan po ‘yung pangunahing suliranin natin sa buong mundo. At ang pinaka-number one cause ng climate change ay ‘yung pagsunog ng fossil fuels,” paanyaya naman ni Comm. Saño.