
Matapos na mag-viral ang kaniyang "Chill lang" post, muling kinagiliwan ng netizens ang bagong post ni David Licauco, na may caption na "Wer na u, dito na me."
Matatandaan na naging usap-usapan kamakailan ang "Chill lang" post ni David, ito ay kasunod nang pag-anunsyo ni Barbie Forteza ng hiwalayan nila ng longtime partner na si Jak Roberto.
Agad na umani ng libo-libong reaksyon mula sa netizens ang "Wer na u, dito na me" post ni David, kung saan makikita ang aktor na naka-topless at nakatingala habang nakalublob sa tubig ng isang waterfall.
Narito ang ilang nakatutuwang komento ng netizens sa post ni David kung saan sinagot nila ang caption na "Wer na u, dito na me."
Huling napanood si David sa katatapos lamang na hit series na Pulang Araw kung saan nakasama niya sina Barbie Forteza, Sanya Lopez, Dennis Trillo, at Alden Richards.
SAMANTALA, TINGNAN ANG HOTTEST PHOTOS NI DAVID LICAUCO SA GALLERY NA ITO: