GMA Logo Tina Paner in Lutong Bahay
Source: tinapaner71
What's Hot

Tina Paner sa '80s group na Triplets kasama sina Manilyn Reynes at Sheryl Cruz: 'Hindi nagbago'

By Hazel Jane Cruz
Published January 8, 2025 6:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBI searches Cabral's Baguio hotel room
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

Tina Paner in Lutong Bahay


Ikinuwento rin ni Tina Paner kung paano nabuo ang sikat na grupo na Triplets noong '80s.

Isa ang Triplets sa pinakakilalang grupo noong '80s na naghatid ng saya sa mga Pilipino gamit ang kanilang mga sikat na awitin tulad ng “Mr. Dreamboy” ni Sheryl Cruz, “Sayang na Sayang” ni Manilyn Reynes, at “Tamis ng Unang Halik” na kinanta ni Tina Paner.

Sa latest episode ng GTV cooking talk show na Lutong Bahay kasama sina Mikee Quintos at Kuya Dudut ay ikinuwento ng Triplets member na is Tina Paner ang pinagmulan ng sikat na singing trio.

“Nabuo ang Triplets sa That's Entertainment; that was [in] '86. Ako [sa] Monday, si Man [ay] Tuesday, si Sheryl, Wednesday. Nag-star kami sa isang production number. And then nakita kami ng [...] OctoArts so gumawa kami ng album,” kuwento ni Tina.


Bago rin ilabas ang kanilang album ay mayroon na silang naunang pelikula na tumatak sa takilya. Ngunit kinalaunan, pagkatapos ilabas ang kanilang album ay naghiwa-hiwalay rin ang tatlo upang tahakin ang kani-kaniyang solo careers.

Sa kabila nito ay nanatiling mabuting magkakaibigan sina Sheryl, Manilyn, at Tina.

Binalikan din nito ang mga nagdaang projects kasama ang co-members na sina Sheryl at Manilyn.

“Masaya kasi parang 'yung friendship namin, nandoroon lang; nandoroon pa rin,” kuwento ni Tina.

Ayon din sa kaniya ay walang pagbabago ang kanilang samahan matapos ang ilang dekada.

Ani Tina, “Siguro kasi noong time na 'yun... hindi naman talaga kami nagkukuwentu-kuwentuhan... pero kapag once na nagkikita na kami, para naman kaming matagal nang nagkasama. Parang hindi nagbago.”

Samantala, busy naman sa kani-kaniyang karera ngayon ang Triplets.

Si Manilyn ay patuloy na napapanood bilang Elsa sa Pepito Manaloto, si Sheryl ay bahagi ng GMA Afternoon Prime law drama na Lilet Matias: Attorney-at-Law, habang si Tina ay abala sa ikalawang season ng youth-oriented series na MAKA.

BALIKAN NAMAN ANG KANILANG REUNION SA 'FAST TALK WITH BOY ABUNDA' SA GALLERY NA ITO: