Showbiz News

Regine Velasquez-Alcasid, bet si Alden Richards

By MARY LOUISE LIGUNAS

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
 
Sa nalalapit na premiere ng bagong reality search na Bet ng Bayan, nabati ng ilang miyembro ng press ang chemistry sa pagitan ng dalawang host na sina Regine Velasquez-Alcasid at Alden Richards.
 
Inamin ng Asia’s Songbird na masaya siyang makatrabaho ang young actor at first-time host.
 
Bet na co-host
 
Kahit matagal nang magkakilala ang dalawa, unang beses nilang magkatrabaho kaya excited si Regine.
 
“Sino ba ang hindi magiging bet 'yan? Parang pamangkin ko lang siya,” she joked. “Bet na bet. I’ve known Alden naman dati pa. I would see him often ‘pag sa Party Pilipinas noon, at ngayon sa Sunday All Stars. It’s my first time to work with him.”
 
Para sa kanya, madali at masayang katrabaho si Alden. “We taped two shows already. Hindi ako masyadong na-se-stress sa kanya kasi he’s a very giving person. Alam niya kung ano 'yung gagawin niya, I don’t have to teach him. Ang dali niyang ka-trabaho eh so I’m happy to be working with him,” dagdag niya.
 
Bet makasama sa May-December romance-themed show
 
Nang tanungin si Regine kung okay lang sa kanyang maka-tambal si Alden sa isang romantic na project, naging mabilis ang sagot ng singer.
 
“Oo naman, tawagan ko asawa ko ha? Oo ba,” mabilis na wika niya, habang tumatawa. Game si Regine sa ganitong tema pero inaamin niyang may limitasyon.
 
“Ngayon kasi medyo may restriction na ako. Not from my husband though. I’m also taking it upon myself kasi I have a son. Iba na. So medyo rinerestrict ko na din 'yung sarili ko kasi hindi ko na rin ma-imagine masyado,” aniya.
 
Subalit dahil sa mga limitasyon sa telebisyon, panatag ang loob niya na puwedeng magkaroon ng romantic scenes. “Siyempre meron tayong MTRCB, laging may nagbabantay, may mga batang nanonood so may limitations naman talaga… Comfortable [ako] sa TV kaya kahit ano puwede ko gawin kasi alam kong may [hangganan],” paliwanag niya.