
Ganap nang isang Showtimer ang Pambansang Ginoo na si David Licauco!
Sa kaniyang Facebook post nitong Sabado, January 11, masayang ibinahagi ni David na nakatanggap siya ng “Top Fan” badge mula sa official page ng variety noontime program na It's Showtime.
“I just got recognized as one of their top fans!” saad ni David. “YAAAAAAAAAY.”
Kasama rin sa nasabing Facebook post ang nakakakilig na photo ni David nang makisaya ito sa programa noong Miyerkules, January 8.
Umani naman ng hearts and likes ang post ni David.
Matatandaang nakisaya ang aktor sa It's Showtime na nananatiling trending hanggang ngayon.
Hindi rin ito nakatakas sa pang-aasar ni Vice Ganda at It's Showtime family.
DAVID LICAUCO'S PHOTOS THAT PROVE HE'S A CHILL GUY
"David, may partner ka ba?" tanong ni Vice.
"Wala po, single lang po," nahihiyang sagot ni David.
"Hoy tinatanong ko lang naman sa business, ikaw naman love life kagad," pang-aasar ni Vice.
"Single lang din po sa business," sagot naman ni David habang natatawa.
Bukod dito ay tinawanan ng netizens ang pagiging inosente ng Kapuso aktor nang lokohin ito na sinemento raw ang binti ng It's Showtime host na si Karylle dahil sa kaniyang violet na medyas.
@gmanetwork #ItsShowtime #Highlights: Napaniwala ng Showtime hosts si David Licauco na sinemento ang mga binti ni Karylle! 😂 Watch #ItsShowtime every 12:00 p.m. from Monday to Saturday on GMA. #gmanetwork #kapuso #fyp #ViceGanda #DavidLicauco #Karylle ♬ original sound - GMA Network
“Get well soon; ano'ng nangyari?” sinsero pang tanong ni David kay Karylle. “Bakit nasimento? Kailan pa ba 'yan?”
Natawa naman ang mga hosts sa pagiging inosente sa joke ni David.
“Basta mamaya David sign mo 'yung cast ko, ha?” banat pa ni Karylle.
Dito na lamang napagtanto ni David ang joke ng It's Showtime hosts na tunay na nagpatawa sa mga madlang Kapuso.
“Ah, niloloko n'yo lang pala siya dahil [...] violet ['yung medyas]?” ani David.
Subaybayan ang It's Showtime, Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
SAMANTALA, ALAMIN KUNG SINO-SINONG KAPUSO STARS ANG NAKABISITA NA SA IT'S SHOWTIME