Showbiz News

For the first time, Solenn speaks up about Derek-Mary Christine issue

By AEDRIANNE ACAR 


 
Ikinagulat ni model actress Solenn Heussaff ang pagkakadawit ng pangalan niya sa kaso ni Derek Ramsay na violation of the Anti-Violence Against Women and their Children Act na isinampa ng asawa niyang si Mary Christine Jolly. 

Matatandaan na hiniling ng kampo ni Mary Christine sa Bureau of Immigration ang travel records nina Solenn, Angelica Panganiban at Cristine Reyes. 
 
Dating boyfriend ng Kapuso actress si Derek bago siya pumasok sa showbizness. 
 
Sa panayam ng 24 Oras kay Solenn, matagal nang tapos ang relasyon niya sa aktor kaya natatawa na lang daw siya na nadamay ang pangalan niya sa isyu ni Derek at Mary Christine. 
 
“Natawa ako sa umpisa. Sabi ko ‘Ay, bakit ako? Bakit ako kasama sa isyu, seventeen lang ako noon.' Super nag-move on na ako, tapos wala naman akong kinalaman sa isyu na 'yan and I’m not close to any of them now so 'yun.”
 
Samantala sunod-sunod naman ang mga projects ni Solenn sa Kapuso network. Kasama siya sa BayaniSerye na Ilustrado at co-host rin ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao sa MP Featuring Sport Science. Kasalakuyan din siyang nagsho-shoot para sa pelikulang Tiyanak.
 
Pag-amin ng dalaga nakakapagod daw talaga ang dami ng showbiz commitments niya ngayon, pero hindi na lamang daw niya ito iniisip.
 
“'Pag may isang day [na] rest na. I decide not to do anything as in nafe-feel ko lahat ng pagod. Pero If I don’t stop doing it okay naman ‘yung energy ko,” aniya.