GMA Logo darryl yap and vic sotto
Source: vicsottoofficial (IG) | YouthAndPower2016 (FB)
What's Hot

Apila ni Darryl Yap tungkol sa mga kasong isinampa ni Vic Sotto, tinanggihan ng Muntinlupa RTC

By Kristian Eric Javier
Published January 16, 2025 7:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi | December 16, 2025
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

darryl yap and vic sotto


Tuloy ang nakatakdang pagdinig sa mga kaso laban kay Darryl Yap.

Ibinasura ng Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) ang apila ni Direk Darryl Yap na ikonsolida ang mga isinampang kaso laban sa kaniya ng actor-TV host na si Vic Sotto. Ang mga ito ay kaugnay ng trailer ng kaniyang pelikula tungkol sa buhay ng yumaong sexy star na si Pepsi Paloma.

Sa isang four-page order, tinanggihan ng Muntinlupa RTC ang apila ni Darryl na i-consolidate ang petisyon ni Vic na writ of habeas data sa korte, at ang 19 na counts ng cyberlibel laban kay Darryl sa Muntinlupa Office of the prosecutor.

“The Motion for Immediate Consolidation is devoid of merit. The two legal actions are inherently distinct in nature, purpose, jurisdiction, and procedure,” saad ng order.

Ayon sa korte, maaari lang makonsolida ang dalawang isinampa laban kay Darryl kung ang mga kaso ay may parehong legal o factual issue,at kung pending sila sa iisang forum.

Saad ng RTC, “Here, the petition and the criminal complaint are pending before distinct forums and are governed by separate procedural frameworks. Thus, consolidation is legally impermissible.

“Even if the two cases involve overlapping circumstances, the legal issues and relief sought remain distinct. Each case must proceed independently within its respective forum,” dagdag pa nila.

BALIKAN ANG ILAN SA MGA HIGH-PROFILE LIBEL CASES NA ISINAMPA NG CELEBRITIES SA GALLERY NA ITO:

Kinumprima rin ng korte na matutuloy ang nakatakdang pagdinig sa January 17. Una nang kinansela ng korte ang naunang nakataldang pagdinig nitong January 15 para hintayin ang magiging tugon sa motion for consolidation ni Darryl.

Ibinasura rin korte ang mosyon ni Vic na show cause order laban kay Darryl.

Matatandaan na nagsampa ang batikang aktor at TV host ng 19 na reklamong cyberlibel laban kay Darryl matapos ipalabas ang trailer ng kaniyang pelikula kung saan nabanggit ang pangalan ni Vic.

Kamakailan lang ay sinabi ni Vic na hindi sila kinonsulta ng kahit sino mula sa movie production tungkol sa script, bagay na itinanggi ng abogado ni Darryl na si Atty. Raymond Fortun, at sinabing ipinadala nila ito para kumuha ng komento. Ngunit ayon sa kapatid ni Vic na si dating senador Tito Sotto ay wala silang natanggap.