Showbiz News

Hindi ako funny - Max Collins

By AEDRIANNE ACAR 

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
 
Walang pagsidlan ng tuwa ang Kapuso star na si Max Collins nang mapabilang siya sa longest-running gag show sa bansa, ang Bubble Gang.
 
Para nga raw isang panaginip ang lahat para kay Max that she could proudly say na mainstay na siya ng show. 
 
Pag-amin ng former Innamorata star na sa personal ay hindi naman daw talaga siya funny, kaya blessing ang pagkakasama niya sa Bubble Gang. Dagdag pa ng aktres, espesyal daw ang samahan nila sa show na tinuturing niyang second family. 
 
“I can’t believe that I am part of it and parang it’s always been a dream of mine but I never thought na one day puwedeng mangyari ‘yun or magkakatotoo kasi hindi ako funny. I’m so happy to be a part of the family, my Bubble Gang family, and I’m just really excited for the next years to come na sana I’ll be still a part of it.” 
 
Kuwento pa ng Kapuso actress, ang favorite segment niya sa show ay ang Bubble Shakers. Kasama niya rito ang mga Bubble Gang girls tulad nila Sam Pinto, Andrea Torres at Denise Barbacena. 
 
Pakiramdam kasi ni Max noong nagsisimula siya na hindi raw niya alam kung ano ang mako-contribute niya sa Bubble Gang
 
Pero nang mabuo ang Bubble Shakers ay nagkaroon siya ng purpose at todo ang pasasalamat niya sa mga fans ng Bubble Gang na palaging inaabangan ang portion nila. 
 
“Ever since nag-start ‘yung Bubble Shakers feeling ko may silbi na ako. Parang 'Oh I can actually dance' kahit papaano and when people say inaabangan nila ‘yung dancing segment namin nakakatuwa lang.”