GMA Logo Sanya Lopez and David Licauco
Courtesy: GMA Network
What's Hot

Sanya Lopez at David Licauco, may bagong project?

By EJ Chua
Published January 18, 2025 6:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: Phoenix dominates Blackwater to halt two-game slide
Dagan na uban ang Sparkle Artists sa Sparkle Run 2026| One Mindanao
Marian Rivera's French designer bag is simply elegant

Article Inside Page


Showbiz News

Sanya Lopez and David Licauco


Makikita sa isang video na magkasama sina Sanya Lopez at David Licauco

Isang exciting project ang pagsasamahan ng Sparkle stars na sina Sanya Lopez at David Licauco.

Sa teaser na in-upload ng GMA Pictures sa social media kamakailan lang, matutunghayan ang pasilip sa pelikulang pagbibidahan nina Sanya at David.

Bukod sa dalawang Kapuso artists, napanood din sa maikling clip si Betong Sumaya, at iba pang aktor.

Tampok sa teaser ang pagkikita nina Sanya at David na may halong nakakakilig na eksena.

Ano kaya ang pamagat at tungkol saan kaya ito?

Samantala, matatandaang parehas na napanood sina Sanya at David sa GMA's historical drama na Pulang Araw.

Nakilala sila sa serye bilang sina Teresita at Hiroshi.

Abangan ang iba pang detalye tungkol sa bagong proyekto nina Sanya at David.

RELATED GALLERY: PULANG ARAW CAMPUS TOUR AT MIRIAM COLLEGE