GMA Logo David Licauco
Source: davidlicauco (IG)
What's on TV

David Licauco, proud sa sarili matapos ang 'Pulang Araw'

By Marah Ruiz
Published December 27, 2024 12:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - PCO press briefing (Dec. 16, 2025) | GMA Integrated News
P20.6M illegal drugs seized in Tagbilaran City, Bohol
Kelvin Miranda sizzles on the cover of online lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

David Licauco


Masaya si David Licauco sa naging performance niya sa 'Pulang Araw.'

Maraming papuri ang natanggap ni Kapuso actor David Licauco dahil sa pagganap niya sa GMA Prime wartime family drama na Pulang Araw.

Binigyang-buhay niya ang karakter ni Hiroshi, isang Hapon na lumaki sa Pilipinas at napilitang maging sundalo noong pumutok ang giyera.

Batid ng mga manonood at mga tagahanga ni David ang improvement sa kanyang acting dahil sa kanyang role.

"Honestly everything talaga is challenging. I'm just really so happy na I was able to pull it off. Hopefully, I didn't disappoint the fans, the production, GMA, Sparkle," pahayag niya.

Nagpasalamat din si David sa mga Kapuso na nanood ng Pulang Araw mula sa simula hanggang dulo.

"I just wanna say thank you for watching Pulang Araw the past five months. Sana ay suportahan niyo pa rin kaming lahat dito sa susunod naming gagawin na proyekto. Mahalin natin ang ating bansa," mensahe niya.


Sa nalalapit ng pagtatapos ng Pulang Araw, nasa bingit na ng pagkatalo sa giyera ang mga Hapon.

Hinahanap pa rin ni Col. Yuta Saitoh (Dennis Trillo) si Teresita (Sanya Lopez) at muli niyang makakaharap si Eduardo (Alden Richards).

Nauubusan na rin ng lugar na lilikasan sina Adelina (Barbie Forteza) at Hiroshi (David Licauco) kung saan mananatili silang ligtas mula sa pagbagsak ng mga bomba.

Patuloy na panoorin ang lalong lumalalim ng kuwento ng Pulang Araw, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

Maaari rin itong panoorin online sa Kapuso Stream.


Panoorin din ang same-day replay sa GTV, 9:40 p.m.