Showbiz News

How did Romnick and Harlene stay married for 15 years?

By ANN CHARMAINE AQUINO

 
Isa sa may masayang married life sa showbiz ay sina Romnick Sarmenta at Harlene Bautista. Kaya naman masaya nilang ibinahagi ang kanilang buhay pamilya sa kanilang pagbisita kay Regine Velasquez sa Sarap Diva.
 
Sina Romnick at Harlene ay married for fifteen years and mayroon silang limang anak.
 
Kuwento nina Romnick at Harlene, nagdedepende ang kanilang parenting style sa sitwasyon.
 
Pahayag ni Romnick, "Depende sa kung ano 'yung sitwasyon at kung ano ang mga pinag-uusapan natin. May mga parts na very strict kami, may mga parts naman na very maluwag."
 
"Pero parang siya [si Romnick] yung mas strict kaysa sa akin, mas disciplinarian," dagdag ni Harlene.
 
Ibinahagi rin nina Romnick at Harlene na madalang na silang mag-appear sa telebisyon para makapag-focus sa kanilang mga anak.
 
Kuwento ni Romnick, "Ayoko kasing ma-miss 'yung paglaki ng mga anak ko. Parang hindi mo 'yun mahahabol e. Iba 'yung experience na nakikita mo na first time tumayo [ang anak mo], first time maglakad, first time magsalita, first time nangulit. Plus, hindi ako makakabawi sa kanila if ever wala ako nung childhood nila. Hindi ko mababawi 'yung relationship 'pag tanda nila."
 
"Harlene was also very keen on that. Sabi nga niya gusto niya mapaghandaan 'yung future ng mga anak namin. Kaya lang we also agreed, oo we can prepare for their future. Pero kailangan nandoon tayo sa present. Hindi puwedeng prepare ng prepare," dagdag niya.
 
Ibinahagi rin ni Harlene na ang faith nilang mag-asawa ay naka-center sa kanilang relationship at buhay pamilya.
 
Aniya, "Kami nag-decide na to live by faith. Trusting in the Lord, hindi tayo pababayaan ni Lord. Magiging maayos ang future natin."