Showbiz News

‘I love my beki fans’ - Mikael Daez

By AEDRIANNE ACAR

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Angat ang galing ni Kapuso hunk Mikael Daez sa pagpo-portray ng gay role.

Makikita sa Ismol Family na kumportable na ang aktor na gumanap bilang closet gay. Kaya maraming mga Kapuso viewers ang pumupuri kay Mikael dahil kuwela ang karakter niya rito na si Bernie. 

Sa panayam ng GMANetwork.com sa aktor, masarap daw sa pakiramdam na nagagampanan niya ang role na ibinigay sa kanya ng Kapuso network.
 
Pero mas higit na nakaka-inspire ang mga positive comments na kanyang nakukuha sa show galing sa mga Kapuso viewers na sumusubaybay sa show every week.
 
Aniya, “Happy siyempre kahit anong project ang tanggapin ko there is always a chance na baka hindi mag-work and for this one first time ko na ‘tong gagawin, first time kong ginawa ang gay role, well not exactly gay role but this kind of role kasi si Bernie is more of undecided eh. Undecided closet something so it was a risk.”
 
“Pero it worked out. I’m  happy kasi the fans are happy, the producers and the director is happy. So happy.”
 
Dahil sa angking kaguwapuhan at matinding sex appeal, hindi lamang mga babae ang humahanga sa kanya. Sa katunayan, pantasya rin siya ng mga mareshki ni Mother Lexi sa Dading.
 
Kaya tanong namin sa kanya, kung paano niya hina-handle ang mga gay admirers niya. Sagot ni Mikael, “I love the beki fans. Nakakatuwa sila. Actually sila nga ‘yung nagpapaganda ng newsfeed mo kasi ang dami nilang sinusulat na kung ano-ano. Though sila nga ‘yung maiingay lagi, sila ‘yung mga vocal, sila ‘yung very honest. So para sa akin, I appreciate them.”