
Binati ni Kapuso Drama King Dennis Trillo ang asawa na si Jennylyn Mercado sa muling pagpirma nito sa GMA Network bilang isang Kapuso. Dagdag pa ng aktor ay excited na siya sa future projects na gagawin nilang mag-asawa nang magkasama.
Sa panayam sa kaniya ni Nelson Canlas para sa 24 Oras nitong Martes, January 21, ay ipinahayag ni Dennis ang kaniyang pagbati kay Jennylyn.
“Congratulations mahal sa bago mong kontrata sa ating Kapuso network. Excited na akong gumawa ng mga magagandang proyekto kasama ka. Sobrang excited na finally magkakaroon ulit kami ng project,” sabi ng aktor.
BALIKAN ANG RELATIONSHIP TIMELINE NINA DENNIS TRILLO AT JENNYLYN MERCADO SA GALLERY NA ITO:
Matatandaan na ang huling proyekto nila ni Jennylyn Mercado na magkasama ay sa 2015 drama romance series na My Faithful Husband.
Ngayon ay magsasama ang Kapuso couple sa isang romantic comedy series na Everything About My Wife, isang collaboration sa pagitan ng GMA Pictures at CreaZion Studios. Makakasama nila sa kanilang unang pelikula mag-asawa si Sam Milby.
Bukod sa pelikula, inanunsyo rin ni Jennylyn Mercado na magtatambal sila ni Dennis Trillo sa isang action-drama series kung saan gaganap umano ang aktres bilang isang pulis.
Nitong Martes, January 21, ay muling pumirma ng kontrata si Jennylyn Mercado sa GMA Network.
Dumalo sa event si GMA Network President and Chief Executive Officer Gilberto R. Duavit, Jr., GMA Network Executive Vice President and Chief Financial Officer Felipe S. Yalong, GMA Network Senior Vice President for Entertainment Group Lilybeth G. Rasonable, at Aguila Entertainment Chief Executive Officer Katrina Aguila.
Tingnan ang buong panayam kay Dennis Trillo dito: