Showbiz News

Frencheska Farr on singing competitions: Hindi lang 'yan biritan!

By AEDRIANNE ACAR

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
 
Laging inaabangan sa Sunday All Stars ang all-out performance ni Frencheska Farr sa Sunday afternoon variety program.
 
Matapos manalo sa singing contest na Are You The Next Big Star? hosted by Asia’s Songbird Ms. Regine Velasquez-Alcasid, sunod-sunod na ang mga naging projects niya sa Kapuso network.
 
Hindi naging madali ang pinagdaanan ng Kapuso singer para maabot niya ang narating ngayon, kaya payo niya sa mga nagnanais na sumali sa mga competition na dapat ay sundin nila kung ano ang binubulong ng kanilang puso.
 
“Ang hirap [na] mag-advice ako kasi ang ginawa ko lang kasi noon nag-work hard lang talaga ako at pinagdasal ko ano ‘yung gusto ko at pinakinggan ko lang kung ano ‘yung nasa puso ko. Sa lahat ng gagawin nila, [i]-make sure nila na gusto talaga nila ‘yun, kasi lalabas naman ‘yun.”
 
Dagdag pa ni Frencheska, hindi dapat maliitin ng sino man ang mga taong sumasali sa mga talent search competitions dahil dugo at pawis daw ang puhunan dito.
 
“Siyempre hindi naman madali. Iniisip kasi ng mga tao, ganun-ganun lang. Pipila, kakanta lang, magsmile-smile, hindi! Parang ipapakita mo sa kanila kung ano ‘yung passion mo talaga, na nalilimutan ng maraming tao kasi, iniisip nila bibirit ka lang at all singing lang. Hindi, ano ‘yun all heart talaga yan guys. All heart!”
 
Handa ka rin daw dapat tumanggap ng pagkatalo at kailangan pursigido ka to accomplish your dream.
 
“Hindi naman lahat laging number one, hindi laging panalo. I’m sure lahat ng singer sumali ng kung ano-anong contest bago sasali sa isang major singing contest 'di ba. So pinaka-advice ko siguro kapit lang [laughs], kapit lang kayo diyan.”