GMA Logo Mavy Legaspi and Ashley Ortega
Source: ashleyortega/IG, mavylegaspi/IG
What's Hot

Mavy Legaspi, walang kumpirmasyon sa 'real score' nila ni Ashley Ortega

By Kristian Eric Javier
Published January 26, 2025 5:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Mavy Legaspi and Ashley Ortega


Mavy Legaspi on his Sinulog Festival experience with Ashley Ortega: 'One of the best.'

Naging usap-usapan kamakailan ang instagram posts nina Kapuso stars Mavy Legaspi at Ashley Ortega ng kanilang Sinulog Festival experience. Kapansin-pansin sa ilang litrato sa naturang post na tila close ang dalawa sa isa't isa. Ngunit walang binanggit ang aktor at TV host sa “real score” nila ng dating Pulang Araw actress.

Wala mang kumpirmasyon si Mavy sa "real score" sa pagitan nila ni Ashley, "one of the best" at masaya raw siya ang kaniyang unang Sinulog experience.

“Nu'n nag-Sinulog ako, it just made me realize na life is great. It gave me another chance in life na parang to stay happy and also be happy, and know that ito talaga 'yung deserve ko,” sabi ni Mavy sa panayam sa kaniya ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras weekend nitong Sabado, January 26.

At dahil nalalapit na ang Araw ng mga Puso, ang plano ni Mavy, “Basta maging masaya ang puso ko.”

Ano man ang real score sa pagitan nina Mavy at Ashley, ipinahayag naman ng kaniyang kakambal na si Cassy Legaspi ang kaniyang suporta para sa kanila.

“As long ang genuinely happy siya, happy din ako for Mavy, that's all I can say,” sabi ng actress at TV host.

BALIKAN ANG PAGPAPASAYA NA GINAWA NG ILANG KAPUSO STARS SA SINULOG FESTIVAL SA GALLERY NA ITO:

Samantala, full support din si Mavy sa fitness journey ni Cassy na kapansin-pansin pagbawas ng timbang. Matatandaan na kamakailan lang ay ibinahagi niya ang tungkol sa pagakaka-diagnose sa kanya ng hypothyroidism, dahilan para nahirapan siyang magbawas noon ng timbang.

Sa ngayon ay pinipili ni Cassy maging mas-active sa sports para magtuloy-tuloy ang kaniyang fitness journey, “Tennis, paddle, so nu'ng nag-switch ako, and then pilates, sabi ko, 'Ay, it's working.' I don't cut out carbs, ayoko po ng restriction because that's what got me into this mess in the first place.”

Tingnan ang buong panayam nina Mavy at Cassy dito: