Showbiz News

Bossing and Bitoy are Bea’s idols

By AEDRIANNE ACAR

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Sunod-sunod ang projects ng Kapuso sweetheart na si Bea Binene.

Bukod sa kanyang Telebabad series na Strawberry Lane, mainstay rin siya sa Sunday All Stars, Vampire Ang Daddy Ko at Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento. 
 
At kamakailan lang pumirma siya ng exclusive contract sa Kapuso network na naging tahanan niya for the past ten years. 
 
Masuwerte ang StarStruck Kids alumna na isa siya sa mga piling Kapuso talent na nabibigyan ng project sa comedy at drama. 
 
Sa panayam ng GMANetwork.com, tinanong namin ang Pepito Manaloto star kung anong project ang mas gamay niya, pagpapaiyak or pagpapatawa?
 
“Ako naman kahit ano po kung ano naman ‘yung alam kong ibinigay [ng] GMA na alam kong para sa akin, alam nilang makakabuti sa akin at alam nilang kaya ko, siyempre ako gagampanan ko ng maayos lahat ng blessings na binibigay.”
 
Malaking karangalan daw para kay Bea na nakakatrabaho niya ang mga itinuturing na haligi ng comedy sa bansa. Nakikipagsabayan siya kay Bossing Vic Sotto sa Vampire Ang Daddy Ko at hindi siya takot makaeksena ang ‘brains’ ng Pepito Manaloto na si Michael V.
 
Kuwento ng dalaga, wala raw makakapantay sa husay at galing ni Bossing Vic at Bitoy, pero ang nakakatuwa ay humble at down-to-earth pa rin sila offcam.
 
Aniya, “It’s an honor po bilang siyempre si Bossing [Vic Sotto] idol ko 'yan as in. Dati kapag tinanong mo ako kung sino idol ko, sabihin ko si Vic Sotto talaga. So siyempre ngayon, nakakatuwa na ngayon nakakatrabaho ko na siya, nakakaeksena ko na siya.”
 
“Si Kuya Bitoy naman sobrang hanga ako sa kanya, kasi sobrang witty niya as in offcam, kung ano siya oncam ‘yun siya off-cam.”
 
Dagdag pa ni Bea napa-creative raw ni Michael V dahil ang dami-dami niyang kayang gawin. 
 
“Sobrang hanga ako dahil musician siya. Siya 'yung nagsusulat ng script, siya 'yung nagsusulat ng concept, as in sobrang ang daming laman ng isip niya. So sobrang it’s an honor, 'tsaka masaya. Sobrang fun lang, chill lang.”