Showbiz News

Ano ang mami-miss ng ‘Dading’ cast sa isa’t isa?

By AL KENDRICK NOGUERA


 
Bukas na ang finale ng Dading. Kaya naman ang main cast members ng show na sina Gabby Eigenmann, Glaiza de Castro, Benjamin Alves at Chynna Ortaleza ay magkahalong tuwa at lungkot ang nararamdaman ngayon.
 
Natutuwa sila dahil naging maganda ang itinakbo ng Afternoon Prime soap. Pero siyempre, hindi raw nila maiiwasang malungkot dahil magkakahiwa-hiwalay na silang apat.
 
Nang bisitahin namin sila sa last taping ng Dading, itinanong namin sa apat kung ano ang mami-miss nila sa isa’t-isa. Anong level na ba ng working at personal relationship ang mayroon sila?
 
Benjamin Alves
 
“Kay Gabby, 'yung atmosphere kasi ng show namin, siya talaga 'yung aming source of inspiration. Si Chynna, nagkasakit ako noong nag-regional kami. Mami-miss ko 'yung how she takes care of me, 'yung pagka-maternal niya sa amin. Kay Glaiza, light lang talaga si Glaiza eh to think na lagi kaming nag-aaway sa eksena. Mami-miss ko 'yung pagkakaibigan namin.”
 
Glaiza de Castro
 
“Mami-miss ko 'yung group namin sa iMessage. Si Ben, isa siya sa mga nakakausap ko sa mga physical training, siya 'yung mga nagbabaon ng mga masasarap na pagkain sa set. Si Chynna, siya lang talaga 'yung sa tingin kong nakakakuha ng pagka-weirdo ko kasi weirdo rin siya. Si Gab, siya 'yung madalas kong nakasama eh. Siya 'yung best friend ko, siya 'yung asawa ko. First time kong maramdaman 'yung genuine concern mula sa kanya, 'yung may magte-text sa 'kin ng good morning.”
 
Chynna Ortaleza
 
“First time ko atang magkaroon ng ganitong klaseng group na alam ko na magpo-progress 'yung relationship namin outside the set. The things that I will always miss about Ben is the fact that he's the kind of person who's very sensitive when it comes to times when I'm feeling down or when I feel frustrated about some things. He's the kind of person who will go to you and hug you. Si Glaiza, sobrang mapagbigay kasi 'tong tao na 'to eh. Grabe, 'yung capacity niya para magbigay. Saka sobrang totoo siya, sobrang rare noon sa showbiz. Si Gabby naman, he was the first person who really anchored everyone in the show. Marami siyang naituro sa 'kin pagdating sa pagiging tao, hindi lang sa pagiging aktor. ’Yung pagmamahal niya sa 'min, hindi namin dina-doubt 'yon.”
 
Gabby Eigenmann
 
“With Ben, hindi lang ako nakahanap ng kaibigan, parang kapatid na rin. If people say that I'm the anchor, Ben would be the captain. Si Glaiza, 'yung passion niya sa music, passion niya sa acting sa film and all that, nada-drive ako to pursue also. Si Chynna, grabe rin ang pagiging passionate niya sa trabaho. Sabi ko nga, up to the last scenes or taping days that we had, sa group message namin, sinabi ko na let's make the most of it. Daanin na lang natin sa ganda at sa galing. Ilabas natin 'yung best natin.”