Showbiz News

Isabel Oli, willing to be a full-time wife and mom

By CHERRY SUN
 

Dalawang linggo na ang nakaraan mula noong flash mob wedding proposal ni John Prats kay Isabel Oli.
 
Hindi pa man nila nasisimulang pagplanuhan ang kanilang kasal, sinabi na ng bride-to-be na handa siyang iwan ang showbiz para mag-focus sa family life.
 
“Wala pa talaga, wala pa. Kasi sa ngayon, parang ine-enjoy muna namin talaga ‘tong feeling,” ani Isabel tungkol sa kanilang wedding preparations.
 
“Sobrang ngayon nga parang mas sweet kami. I mean sweet kami before, [pero] ito talaga iba. Ako, parang ‘yung feeling na assured ka,” dagdag ng aktres.
 
Isang simple at very intimate na kasal ang nais ni Isabel.
 
Aniya, “Ever since alam na niya talaga ‘yung gusto ko. Basta simple, nandun ‘yung parents niya at mga close friends namin. ‘Yun lang ‘yun, hindi kailangan na bongga ‘yung gown, bongga ‘yung ganito.”
 
“Gusto ko lang talaga na hindi kami stiff. ‘Yung free kami sa wedding para masaya lang. Kaya sabi ko, piling-pili lang talaga ‘yung invited,” dugtong niya.
 
Sa nakaraang panayam ni Isabel sa 24 Oras, ibinahagi niya na gusto niya ng isang garden wedding. Plano rin daw nila ni John na ikasal sa susunod na taon.
 
At sa pagdating ng panahong magse-settle down na sila ay puwede raw niyang talikuran ang buhay-artista.
 
“'Pag may anak siguro gusto ko maging hands-on. Pero siyempre babalik din [sa showbiz] kung gusto pa ako ‘di ba,” kuwento niya.