Showbiz News

Jake Vargas, laging nagsusungit?

By AL KENDRICK NOGUERA

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Maraming viewers ang nakakapansin sa kasungitan ni Kapuso actor Jake Vargas sa kanyang show na Strawberry Lane.

Kaya naman itinanong na ng GMANetwork.com sa teen star kung ano ba ang dahilan ng kanyang pagsusungit.
 
Ang tinutukoy na nagsusungit ay ang role ni Jake na si Gabo. Ibang-iba raw si Gabo sa previous roles ni Jake dahil first time niyang gumanap ng isang character na mayroong kapansanan.
 
Dahil bago ito sa aktor, pinaghandaan niya raw ito nang husto. Saad niya, “Nag-research nga ako kung paano iaarte 'yung lumpo kasi mahirap eh. 'Di ba may saklay kang dala so hindi mo alam kung paano mo i-a-act 'yung pagkalumpo mo.”
 
Kahit hirap sa role, hindi raw nagdalawang-isip si Jake na tanggapin ito dahil challenging ito. “Pero na-excite naman ako dahil maganda 'yung role ko,” pahayag ng aktor.
 
Bukod pa sa role, talagang itinuloy ni Jake ang Strawberry Lane dahil magkasama sila rito ng kanyang real-life girlfriend na si Bea Binene. Matagal din daw nilang hinintay at ng JaBea fans ang pagkakataong ito. 
 
Ayon pa nga kay Jake, may advantage raw na kasama niya si Bea sa isang show dahil mababantayan niya nang maigi ang girlfriend.
 
Nang tanungin namin si Jake kung may pagkakapareho ba si Gabo sa kanya, sinabi niyang wala dahil napakasungit daw ni Gabo.
 
Bakit nga ba masungit si Gabo? “May pain siyang nararamdaman kaya siya nagiging masungit,” sagot ni Jake.
 
Nalumpo si Gabo dahil sa natamong spine injury matapos ang isang aksidente. Dahil dito, naging iwas siya sa mga tao dahil sa kapansanan.
 
Ayon kay Jake, may isang tao raw na makakatanggal ng pagiging masungit ni Gabo. Abangan kung sino siya sa Strawberry Lane, weeknights after 24 Oras sa GMA Telebabad.