Showbiz News

Barbie Forteza, no boyfriend since birth?

By AL KENDRICK NOGUERA

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
 
Marami na ang nagtatanong kung bakit hanggang ngayon ay wala pa ring napapabalitang boyfriend si Kapuso actress Barbie Forteza. Sa kanyang showbiz friends na sina Joyce Ching at Bea Binene, tanging siya na lang ang hindi pa nagkaroon ng boyfriend.
 
Inakala ng marami na ang love team ni Barbie na si Derrick Monasterio ang malapit sa puso ng aktres. Pero nang ma-interview namin ang The Half Sisters star, nilinaw niya na hanggang kaibigan lang daw talaga ang kanilang relasyon.

Bakit kaya hindi pa nagkakaroon ng boyfriend si Barbie? Mayroon ba siyang hinahanap sa isang lalaki? Itinanong namin mismo kay Barbie kung ano ba ang characteristics ng kanyang ideal guy.
 
Sa kanyang dalawang leading men sa The Half Sisters, tiningnan ni Barbie kung pasado ba sa kanya ang characters nina Baste (Derrick Monasterio) at Bradley (Andre Paras).
 
Kung papipiliin, sino sa dalawa ang ideal guy ni Barbie? “Actually parehas sila. Depende na lang siguro,” sagot ng teen star.
 
Ikinumpara ni Barbie ang traits ng dalawa. Aniya, “Kasi si Bradley, well off 'yung family 'di ba? Nag-e-effort naman siya para magkasama kami. Kahit hindi boto 'yung nanay niya sa 'kin, pinu-push niya pa rin 'yung sarili niya.”
 
“Si Baste, ume-effort din pero pailalim. Saka nagbibigay siya. Alam niya kasi na si Bradley 'yung gusto ko kaya ipinapaubaya niya. 'Tsaka kwela,” dagdag ni Barbie.
 
Pero kung tatanungin si Barbie, ang perfect guy para sa kanya ay ang pinagsamang traits ng dalawa. “So siguro kung mayroong tao na pinag-join force 'yung ugali nina Baste at Bradley, 'yun na,” pahayag ng The Half Sisters star.