Showbiz News

Jomari Yllana, first Pinoy to compete in Super Race Championship finishes in 6th place

By AEDRIANNE ACAR 
 
Proud ang The Half Sister star na si Jomari Yllana na makasali sa Super Race Championship sa Yongnam, South Korea.
 
Umabot ng isang taon ang paghahanda ng aktor para sa kumpetisyon at siya raw ang kauna-unahang Pinoy na naimbitahan para lumahok dito. 
 
Sa panayam ng 24 Oras kay Jomari, nagpasalamat siya sa Kapuso network na nagsilbing media partner niya sa Super Race Championship.
 
Aniya, “Yung ating media partner, ang ating Kapuso network, sila ang magiging partner ko sa lahat ng kumpetisyon na pupuntahan ko. Kailangan namin ‘yun para maipakita doon sa Pilipino kahit saan man sa buong mundo na mayroon tayong representante [na] Pilipino, nagco-compete na naman sa ibang bansa.”
 
Mukhang nagpapakita rin ng interes ang anak nila ni actress-politician Aiko Melendez na si Andrei na gusto niyang sundan ang yapak ng ama bilang aktor at race car driver. 
 
Suportado man ni Jomari, may payo ito sa anak niyang si Andrei.
 
“'Yung pagkaka-design noong programa mo for racing 'pag tumakbo ka kailangan professional. Magiging trabaho mo 'yan talaga.”