GMA Logo Ruru Madrid and Sue Ramirez with Cristine Reyes
What's Hot

Ruru Madrid, may reaksyon sa viral MMFF Best Supporting Actor announcement

By Kristine Kang
Published February 15, 2025 2:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dizon: I have not authenticated the so-called Cabral files
Over 20,000 passengers logged in NegOcc on holiday rush
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid and Sue Ramirez with Cristine Reyes


Ruru Madrid kina Sue Ramirez at Cristine Reyes: “No hard feelings.”

Isa sa mga naging usapan noong Gabi ng Parangal ng 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF) ang winner announcement ng Best Supporting Actor award.

Matatandaan ang nag-anunsyo ng big winner ay sina Sue Ramirez at Cristine Reyes. Nahalata raw ng netizens na tila nalungkot o nagulat ang dalawa nang nalaman na si Ruru Madrid ang nakatanggap ng parangal.

Napa-"okay" na lang si Cristine habang si Sue ay napatingin na lang sa audience nang mabasa ang pangalan ng winner. Bago rin ang grand reveal ng awardee, tila raw "bias" ang dalawa kay Sid Lucero. Dalawa kasi ang entry of nominations ng aktor galing sa MMFF movies na The Kingdom at Topakk.

Sa panayam kasama si Ogie Diaz, nagbigay ng reaksyon ang primetime action hero na si Ruru Madrid tungkol sa viral moment ng dalawang aktres.

Klinaro ni Ruru na no hard feelings sa nangyari at naiintindihan niya ang reaksyon ng dalawang aktres.

"Kahit ako 'yung presenter noong gabi na iyon at nakita ko na of course si Kuya Sid, sobrang napakahusay na aktor at meron siyang dalawang entries. So malamang kahit po ako, lalo na't hindi ko pa napapanood 'yung ibang mga pelikula, ang iieexpectin ko malamang si Sid 'to," kuwento ni Ruru.

Dagdag niya, "Hindi ako nakaramdam ng kahit anong sama ng loob du'n sa mga nagbasa. Kasi feeling ko hindi nila mini-mean na parang iyon 'yung nasabi nila or iyon 'yung naging reaksyon nila. Kumbaga normal na syempre may dalawang entries at talagang nakatrabaho po nila, nakasama nila sa isang pelikula."

Kuwento ng Kapuso actor na hindi rin siya makapaniwala hanggang ngayon na nabiyayaan siyang manalo sa MMFF. Isang malaking achievement ito para sa kanya, lalo na't first movie award niya ito.

"So for me no hard feelings. Kumbaga for me as long as masaya po tayong lahat at nakita ko itong award na ito parang wala pong problema talaga," pahayag niya.

Hindi awards ang focus ni Ruru nang ginawa niya raw ang inspirational-drama film na Green Bones. Bilang first MMFF project niya, mas inisip ni Ruru na gampanan ng maayos ang kanyang karakter na si Xavier Gonzaga, isang prison guard.

"Ibang-iba 'yung pakiramdam, e. Kasi iba 'yung pakiramdam na makagawa ka ng isang pelikula na hindi ka naman nag e-expect na mananalo ka. Pero ibinigay po sa'yo. Kasi iba 'yung hirap, hindi siya basta-basta," sabi ni Ruru.

Tingnan ang versatile career ni Ruru Madrid, dito: