
May binuko si Dennis Trillo tungkol sa kanyang character sa pelikulang pinagbibidahan nila ng kanyang asawang si Jennylyn Mercado na Everything About My Wife, kasama si Sam Milby.
Ayon sa panayam sa kanila ni Ogie Diaz sa YouTube channel nito, may bagong ipapakita si Dennis na dapat abangan ng moviegoers.
"First time ko lang ginawa 'to sa isang proyekto at mapapanood nila 'yan malapit na," pag-amin ni Dennis.
Ang tinutukoy ng aktor ay ang isang eksena sa Everything About My Wife kung saan nag-strip dance siya sa harap ni Jen, na aniya'y most daring scene na ginawa niya sa buong acting career niya. Ipinasilip ang nasabing eksena sa official trailer ng rom-com film.
Ayon kay Dennis, hindi na siya nagdalawang isip na gawin iyon dahil misis naman niya ang kanyang kaeksena. "Nagawa ko lang 'yun dahil asawa ko 'yung kaharap ko do'n at siguro 'di ako magiging komportable kung iba 'yung kaeksena ko, kaya buti na lang si Jennylyn ang kaeksena ko do'n."
Mapapanood ang Everything About My Wife sa big screen simula February 26. Ipapalabas ito sa 206 cinemas nationwide.
Directed by Real Florido, ang pelikula ay collaboration ng CreaZion Studios at GMA Pictures, kasama ang Glimmer Studio.
Related gallery: Can love heal all wounds? Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, and Sam Milby answer