GMA Logo Zephanie's birthday celebration with fans
What's Hot

Zephanie, nasorpresa sa inihandang birthday party sa kanya ng fans

By Aimee Anoc
Published February 25, 2025 3:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

CEO of Prince Harry and Meghan’s charitable arm to step down
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

Zephanie's birthday celebration with fans


Nakatanggap ng surprise birthday party si Zephanie mula sa kanyang fans. Panoorin dito.

Extended ang 22nd birthday celebration ng Mga Batang Riles at MAKA actress na si Zephanie!

Noong Sabado, February 22, nasorpresa si Zephanie sa party na inihanda ng kanyang fans sa isang kilalang fast food chain.

Sobrang nagpapasalamat naman ang aktres sa love at support na natatanggap mula sa mga ito.

"Thank you, guys. Super na-surprise ako and na-miss ko kayong lahat. Sa super busy natin talagang ang hirap maghanap ng [schedule], pero you made it happened. Maraming salamat," sabi ni Zephanie.

"Thank you dahil pinipili n'yong tumanda na magkasama tayo. And, thank you for all your love and support. Hindi ko man kayo nakakasama palagi, na-a-appreciate ko talaga kayo. 'Yung love and support n'yo tumatagos from the screen and kahit saan man kayo nararamdaman ko," dagdag niya.

A post shared by Sparkle GMA Artist Center (@sparklegmaartistcenter)

Ipinagdiwang ni Zephanie ang kanyang 22nd birthday noong February 14 kasama ang MAKA co-stars na sina Marco Masa, Ashley Sarmiento, Elijah Alejo, at Olive May kung saan nag-hike sila sa Mt. Pulag.

Samantala, subaybayan si Zephanie sa ikalawang season ng hit youth oriented show na MAKA tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.

Napapanood din siya sa Mga Batang Riles, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime.

MAS KILALANIN SI ZEPHANIE SA GALLERY NA ITO: