Showbiz News

Raymart Santiago reunites with former co-stars in 'Second Chances'

By MICHELLE CALIGAN

PHOTO BY KARL PANAL, GMANetwork.com
 
Malaki ang pasasalamat ni Raymart Santiago na muli siyang mapapanood sa telebisyon via the upcoming primetime series Second Chances. Huling napanood ang aktor sa top-rating Afternoon Prime drama na Villa Quintana na tumagal ng walong buwan.
 
"Siyempre thankful sa GMA sa tiwala nila sa amin. Hindi naman ako pinabayaan ng GMA sa mga projects," pahayag ni Raymart sa isang exclusive interview with GMANetwork.com.
 
Bukod sa pagkakaroon ng bagong project, muli ring makakasama ni Raymart ang kanyang Futbolilits leading lady na si Jennylyn Mercado at Luna Blanca co-stars na sina Camille Prats at Chynna Ortaleza.
 
"Masaya rin kami noon sa Luna Blanca. At the same time, si Jen, pangalawang beses ko rin makakasama. [Ang una sa] Futbolilits na napakagandang experience din. Seryoso nga ang project pero sa likod ng camera, nagkakasayahan naman kami."
 
As for his role, malapit daw ito sa puso niya. "Usually kasi, kahit papaano may ideas din ako na binigay dito, situations na nai-share ko rin. Dapat kasi mamahalin mo rin 'yung trabaho mo. Kung ano rin ang gusto kong ibahagi mula sa buhay ko, experiences, nailagay din dito."
 
Abangan si Raymart Santiago sa Second Chances, soon on GMA Telebabad.