GMA Logo Joel Torre in Samahan ng Mga Makasalanan
What's Hot

Joel Torre, mapapanood sa 'Samahan Ng Mga Makasalanan'

By Maine Aquino
Published March 3, 2025 5:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Guarantee letters vouch for those in need, not political intervention —Rep. Puno
Fire razes 9 firecracker stalls in Barili, Cebu as buyer tests item
Attend parties and a grand countdown featuring world-class music icons at this integrated resort

Article Inside Page


Showbiz News

Joel Torre in Samahan ng Mga Makasalanan


Abangan si Joel Torre sa pelikulang handog ng GMA Pictures na 'Samahan Ng Mga Makasalanan'.

Isa sa mga aabangang cast ng Samahan Ng Mga Makasalanan ang award-winning actor na si Joel Torre.

Sa bagong pasilip ng GMA Pictures ay ipinakilala nila ang isa sa mga karakter na bubuo ng istorya ng nasabing pelikula.

PHOTO SOURCE: @joeltorre_

Saad ng GMA Pictures, si Joel Torre ay mapapanood bilang Father Danny.

"BANAL PERO PINALILIBUTAN NG MGA MAKASALANAN
Si Joel Torre bilang si Father Danny, ang Kura Paroko ng Sto. Kristo.
Kilalanin siya sa #SamahanNgMgaMakasalanan
In Cinemas April 19"

Inilahad naman ni David Licauco sa kaniyang interview sa 24 Oras ang kaniyang paghanga kay Joel Torre nang magkasama sila sa taping ng Samahan Ng Mga Makasalanan.

Ani David, "Seeing him as an actor ay napakagaling. In fact, kanina mayroon na akong nakita na puwede kong matutunan. Puwede kong i-apply sa the way I act also."

Abangan ang Samahan Ng Mga Makasalanan sa darating na April 19. Makakasama rin nina Joel Torre at David Licauco sina Sanya Lopez, Betong Sumaya, Chariz Solomon, Buboy Villar, at marami pang iba.

SAMANTALA, BALIKAN ANG PAGBISITA NI JOEL TORRE SA 'FAST TALK WITH BOY ABUNDA':