
Makakarating na sa Hollywood ang pinag-uusapang rom-com film na Everything About My Wife dahil mapapanood na rin ito sa Los Angeles, California.
Inanunsyo ito ng CreaZion Studios ngayong Martes, March 4, isang linggo matapos ang local premiere ng pelikula, na prinodyus din ng GMA Pictures at Glimmer Studio.
Ipalalabas ito sa March 6, 9:00 p.m., sa TCL Chinese Theatre sa Hollywood Boulevard sa LA bilang parte ng 2025 Manila International Film Festival (MIFF) na tatakbo hanggang March 7.
Sa mga nais manood ng Everything About My Wife sa City of Angels, may limited time offer ang MIFF para sa lahat ng movie screening. Bisitahin ang https://rb.gy/5v9dv6 para sa iba pang detalye.
PInagbibidahan nina Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, at Sam Milby ang Everything About My Wife, na mula sa direksyon ni Real Florido.
Kasalukuyan itong ipinapalabas sa mahigit 200 cinemas nationwide
Dennis Trillo, na-awkward sa isa niyang eksena sa Everything About My Wife: