
Ipinakilala na sina Liezel Lopez at Jade Tecson bilang cast sa aabangang pelikula ng GMA Pictures na Samahan Ng Mga Makasalanan.
Sina Liezel at Jade ay mapapanood bilang sina Wendy at Cindy. Saad ng GMA Pictures sa kanilang bagong character reveal, "NEW 'SAMAHAN NG MAKASALANAN' MEMBER REVEAL…"
"Sino nga ba ang hindi magkakasala sa kanila?! Sina Liezel Lopez at Jade Tecson bilang 'Wendy' at 'Cindy.'"
Kasunod ng character reveal nina Liezel at Jade ang larawan ni David Licauco. Si David ay mapapanood sa Samahan Ng Mga Makasalanan bilang Deacon Sam.
"Isinama na rin namin si David Licauco bilang 'Deacon Sam' -- ang cute kasi niya, eh!" saad sa caption ng GMA Pictures.
Bukod kina David, Liezel, at Jade, ipinakilala na rin ng GMA Pictures ang mga karakter nina Sanya Lopez at Joel Torre. Sila ay gaganap naman bilang Mila at Father Danny sa Samahan Ng Mga Makasalanan.
Abangan ang bagong pelikula ng GMA Pictures na Samahan Ng Mga Makasalanan sa April 19.