Showbiz News

Top 3 below-the-belt hits against Manny Pacquiao

By AL KENDRICK NOGUERA
 
Kung nakaraan ay ang Top 5 best footworks ng Pambansang Kamao ang inisa-isa ng sports analyst na si Quinito Henson, ngayon naman ay mismong si Manny Pacquiao ang nag-rank ng Top 3 below-the-belt hits na natamo niya sa kanyang boxing fights.
 
Rank 3: Erik Morales Fight
 
"Ang daming blood na nawala sa katawan ko noon. 5th round pa lang, na-headbutt na agad ako and hanggang 12 rounds, maraming dugo ang naalis. After the fight, nanghina ako because of the blood na nawala sa katawan ko."
 
Rank 2: Timothy Bradley Fight
 
"Mahirap magsabi na intentional but I think it's accidental headbutt lang. Minsan makikita mo rin [na tatama below the belt ang suntok] pero hindi na mailagan. Minsan naman na hindi makita, okay nang ma-below the belt [kasi] may protector naman. Ang mahirap doon, 'yung ma-heabutt ka. Hindi mo na makikita 'yung kalaban [dahil] wala ka ng balance." 
 
Rank 1: Agapito Sanchez Fight
 
"Na-draw 'yung laban namin because of the headbutt. Hineadbutt niya ako intentionally and then low blows and binagsakan pa ako ng knee niya dito sa hita ko." 
 
 
Ano naman kaya ang ira-rank sa mga laban ni Manny Pacquiao ngayong Linggo sa MP featuring Sport Science? Abangan ito sa SNBO dahil tiyak na marami kayong matututunan lalo na pagdating sa sports.