Showbiz News

Killer kindat ni Jake Vargas, pinakilig ang 'Strawberry Lane' viewers!

By AL KENDRICK NOGUERA
 
Sa mga sumusubaybay sa Strawberry Lane, siguradong napanood ninyo ang tinaguriang killer kindat ni Kapuso actor Jake Vargas.
 
Pagkatapos kasing ipalabas ang kindat scene ni Jake, pinag-usapan na agad ito ng netizens at lahat daw sila ay kinilig sa ginawa ng teen star.
 
Ginagampanan ni Jake ang role ni Gabo, ang lalaking magpapakilig kay Clarissa na pino-portray naman ni Bea Binene. Se eksenang iyon, bumisita sa Bahay Bagong Pangarap si Gabo at nang makita niya si Clarissa ay binato niya ito nang binalot na papel sabay tago sa kanyang sasakyan.
 
Nagulat naman si Clarissa kaya’t kinatok niya ang sasakyan upang malaman kung sino ang gumawa nito. Pagbukas ni Gabo ng pinto, mistulang na-love at first sight si Clarissa sa kanya dahil abot tainga ang ngiti ng dalaga.
 
Isang killer kindat naman ang isinukli ni Gabo sa matamis na ngiti ni Clarissa.
 
 
Nang tanungin namin si Jake tungkol sa killer kindat na ito, inamin ng aktor na nahihiya siyang gawin ito. Aniya, “Actually first time kong ginawa 'yon sa TV na kumindat ako. Oo, awkward pa nga kasi dalawang beses kong inulit.”
 
Dagdag pa niya, “Oo nakakahiya kasi naman kumikindat [ako] sa TV eh. (laughs)”?