Showbiz News

‘Ilustrado’ cast, ipinagmamalaki ang mala-pelikulang paggawa ng BayaniSerye

By CHERRY SUN

 
Itinuturing ni Alden Richards na pinakamalaki at pinaka-challenging niyang role ang pagganap niya bilang Dr. Jose Rizal sa kauna-unahang BayaniSerye sa Philippine primetime, ang Ilustrado.
 
Ipinagmamalaki ng aktor at ng buong cast ang mabusising pagbuo ng Ilustrado. Nais daw nila lalong mabigyang-buhay ang kasaysayan ng ating pambansang bayani.
 
Ani Alden, “‘Yung treatment po na ginawa ng GMA News and Public Affairs dito sa Ilustrado is like a movie project. So para kayong nanonood ng pelikula araw-araw.”
 
Dalawa ang magiging leading ladies niya rito. Si Solenn Heussaff ang gaganap bilang si Nellie Boustead habang si Kylie Padilla naman ang magbibigay-katauhan kay Leonor Rivera.
 
Sabi ni Kylie, “Nagpapasalamat ako sa GMA na pinagkatiwalaan nila ako na gampanan ‘yung role na ‘yun kasi medyo iconic. Ang dami nang gumanap tapos in our generation, ako ‘yung napili."
 
Ang ina ni Rizal na si Teodora Alonzo ay bibigyang buhay naman ng nagbabalik-Kapusong aktres na si Eula Valdez.
 
Sa Lunes, October 20 ang world premiere ng Ilustrado kung saan sabay-sabay itong ipapalabas sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.