Showbiz News

Three’s a charm: Marian Rivera gets another bridal shower

By AEDRIANNE ACAR
 
Matapos ang Hong Kong trip ng Kapuso Primetime Queen noong nakaraang buwan para sa kanyang first bridal shower, ginanap naman ngayong Linggo (October 19), ang ikatlong bridal shower ng blooming bride.

Ayon sa kanyang Instagram post, super excited si Yan na makita ang kanyang mga kaibigang babae.
 

Nakadalo rin ang kanyang co-star sa Carmela na si Krystal Reyes, StarStruck finalist Diva Montelaba and Ms. Rita Avila. 
 
 
Isang matamis na souvenir ang pabaon ni Yan sa kanyang mga bisita.
 

Ilan sa mga nakasama ng Primetime Queen sa Hong Kong last month ay ang kanyang pamilya at malalapit na kaibigan tulad nila Lola Francisca, Mommy Amalia, comedian Boobay, former Amaya star Ana Feleo at ang manager ni Dingdong Dantes na si Perry Lansigan. 
 
Pagkabalik naman ng Kapuso actress dito sa bansa, nasorpresa naman siya nang bigyan siya ng second bridal shower sa isang mall sa Alabang noong September 27.