Showbiz News

'Bet ng Bayan' Central at Eastern Visayas Regional Finals live sa Buglasan Festival!

Patuloy pa rin ang paghahanap sa pinakamagagaling na homegrown talents sa bansa sa pamamagitan ng nationwide Kapuso reality-talent show na Bet ng Bayan.

Ang Central at Eastern Visayas Regional Finals ay gaganapin live sa Buglasan Festival ng Dumaguete City ngayong Martes, Oktubre 21.
 
Sa nasabing regional showdown na ikatlong leg na ng kumpetisyon, ay ipapakita ng anim na qualified bets mula Dumaguete at Cebu ang kani-kanilang angking husay at talento sa Capitol Grounds ng siyudad simula 7:00 p.m.
 
Saksi sa impressive performances ng mga kalahok ang Bet ng Bayan hosts na sina Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid at si Alden Richards na lead star ng bagong primetime BayaniSerye na Ilustrado.
 
Samantala, magsisilbing event judges naman ang Pop Diva na si Kuh Ledesma,
ang renowned composer at arranger na si Louie Ocampo, at ang Soul Princess at Fearless Diva na si Jonalyn Viray.
 
Pero bago kilalanin kung sino-sino sa anim na qualifiers ang papalaring mag-advance sa grand finals, pasisiyahin muna ng cast ng Afternoon Prime series na Ang Lihim ni Annasandra ang mga manonood.
 
Sa ganap na 6:00 p.m., makikihalubilo sina Andrea Torres, Rochelle Pangilinan, at Pancho Magno sa kanilang Dumagueteño supporters sa pamamagitan ng isang Kapuso Promo Tour.
 
Mapapanood ang highlights ng Buglasan Festival sa Let’s Fiesta na ipapalabas sa Oktubre 26 sa siyam na regional stations ng GMA Network sa Ilocos, Bicol, Dagupan, Cebu, Iloilo, Bacolod, Davao, GenSan, at Cagayan de Oro.
 
Para sa karagdagang updates tungkol sa iba pang regional events ng Network, sundan lamang ang GMA Regional TV sa Twitter at sa Instagram sa pamamagitan ng @GMARegionalTV.