Showbiz News

Dream with Bea Binene, Kim Rodriguez, and Kiko Estrada in the ‘Strawberry Lane’ Live Chat

By AL KENDRICK NOGUERA
 
Pangarap niyo rin bang makatulong sa inyong pamilya at maging inspirasyon sa inyong mga mahal sa buhay? Join the Strawberry Lane Live Chat kasama sina Kim Rodriguez, Kiko Estrada at Bea Binene!

Mag-log on lang sa GMANetwork.com/livechat this Tuesday, October 21, 2014, from 5:00 p.m. to 7:00 p.m. (Philippine time).
 
Hindi ito ang unang pagkakataong nagkasama sa isang project sina Bea, Kim at Kiko. Cast din kasi sila ng youth-oriented show na Reel Love presents: Tween Hearts na tumagal nang halos dalawang taon. Itinuturing ng tatlo na kanilang reunion ang Strawberry Lane.
 
Bago ang live chat bukas, kilalanin ninyo muna ang characters na ginagampanan ng inyong paboritong teen stars.
 
Bea Binene as Clarissa
 
Nagawang magnakaw ni Clarissa upang maipagamot ang ina-inahang may sakit. Nahuli siya ng mga pulis at napadpad sa Bahay Bagong Pangarap na isang detention center para sa mga menor-de-edad. Nagkaroon siya rito ng mga kaibigan na itinuring niyang mga kapatid.
 
Ginusto ni Clarissa na lumaya sa detention center kaya’t pinilit niya sina Dorina (Joyce Ching), Jack (Kim) at Lupe (Joanna Marie Tan) na tumakas. Sa kanilang paglabas ng Bahay Bagong Pangarap, isang aksidente ang nangyari sa kanila.
Namatay si Dorina, nalumpo si Jack at nabulag si Lupe. Si Clarissa ang sinisisi ng lahat dahil siya ang nagplano sa pag-alis sa detention center.
 
Kim Rodriguez as Jack
 
Si Jack ay boyish, matapang at palaban. Napunta siya sa Bahay Bagong Pangarap nang matupok ang isang factory kung saan siya nagtatrabaho. Napagbintangan siya at kinasuhan ng arson.
 
Noong una ay ayaw sumama ni Jack sa pagtakas sa detention center dahil alam niya na mali ito. Siya rin ang tumatayong Ate sa kanilang magkakaibigan kaya’t hanggat kaya ay puro tamang asal lamang ang kanyang ipinapakita sa kanila. Ngunit nang paalis na sina Clarissa, sumama na rin si Jack sa kanila. Gumuho ang kanyang mundo nang malumpo siya sa aksidenteng natamo kasama ng mga kaibigan.
 
Kiko Estrada as Paul
 
Si Paul ay isang rich kid na naging close kay Jack. Palagi silang bumibisita ng kaibigang si Gabo (Jake Vargas) sa Bahay Bagong Pangarap dahil naging malapit na rin sa kanila ang girls.
 
Nang unang beses na makita ni Paul si Dorina, tila na-love at first sight siya sa dalaga. Mula noon, lagi na niya itong iniisip at lalo pang dumalas ang pagbisita niya sa detention center. Nagulat na lamang si Paul nang malaman na pumanaw si Dorina.
 
Marami pang puwedeng mangyari kina Clarissa, Jack at Paul. Pero bago iyan, samahan muna sila sa GMANetwork.com Live Chat bukas, October 21, 2014, from 5:00 p.m. to 7:00 p.m. (Philippine time).

Mag-log on lang sa www.gmanetwork.com/livechat to be part of this exclusive event.