
Ikinuwento ni Mikee Quintos na sumailalim muna sa workshop ang cast ng SLAY bago sila magsimulang mag-taping.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, sinabi ni Mikee na malaking tulong na nakapag-workshop muna sila nang magkakasama bilang paghahanda sa kanilang role at mga gagawing eksena.
"It really helped na nag-workshop kami together because since the way the script is written kailangan namin mag-rely sa isa't isa, sa dynamics namin sa isa't isa kasi nag-iiba 'yung ugali namin depending on sino 'yung katapat namin sa isa't isa," kuwento ni Mikee.
"And, for us to get to know 'yung characters namin, 'yung core kung sino talaga 'yung characters namin sa loob kailangan maramdaman namin lahat sa isa't isa.
"E usually kapag nag-start naman ang taping hindi mo naman agad makakaeksena lahat, so mabuti na lang nag-workshop kami magkakasama, naramdaman na namin 'yung isa't isa bago pa mag-taping. So, that was a really big help," dagdag niya.
Sa interview, ibinahagi rin ni Mikee kung gaano siya na-excite nang mabasa ang script ng pinakabagong murder mystery series na SLAY.
"Na-excite ako sobra. With this project, 'Wow.' As in 'yung layers ng character ang exciting kasi sabi ko nga roon ka napa-fire up like studying scripts and jumping into surprising myself. Gusto kong nararamdaman yung nagugulat ako sa gitna ng take," aniya.
Makakasama ni Mikee sa lead cast sina Gabbi Garcia, Ysabel Ortega, at Julie Anne San Jose, maging ang kapuso hunk actor na si Derrick Monasterio.
Ilan pa sa star-studded cast na bubuo sa serye ay sina Royce Cabrera, James Blanco, Tina Paner, Matet de Leon, Bernard Palanca, Phoemela Baranda, Chuckie Dreyfus, Simon Ibarra, Jay Ortega, at Gil Cuerva.
Ang SLAY ang kauna-unahang Viu Original ng GMA. Ito ang unang pagkakataon na magkakaroon ng magkaibang point of views ang kuwento sa GMA at Viu Original.
Abangan ang SLAY simula March 24, 9:25 p.m. sa GMA Prime.
Panoorin ang teaser ng GMA Network para sa SLAY rito:
TINGNAN ANG NAGANAP NA MEDIA CONFERENCE NG SLAY SA GALLERY NA ITO: