GMA Logo Sanya Lopez
PHOTO SOURCE: @sanyalopez
What's Hot

Sanya Lopez, masaya sa proyektong 'Samahan Ng Mga Makasalanan'

By Maine Aquino
Published March 13, 2025 4:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Errol 'Budoy' Marabiles, of Junior Kilat fame, passes away
Miss Grand International announces first-ever 'all stars' edition
School in Kalibo, Aklan receives bomb threat

Article Inside Page


Showbiz News

Sanya Lopez


Alamin ang kuwento ni Sanya Lopez tungkol sa kaniyang pagganap bilang Mila sa 'Samahan Ng Mga Makasalanan.'

Ikinuwento ni Sanya Lopez kung bakit niya nagustuhan ang bago niyang pelikulang Samahan Ng Mga Makasalanan.

Saad ni Sanya sa ginanap na Kapuso Artistambayan noong March 11, "It's a comedy feel good movie. Puwede siya for your family, friends, 'yung mga makakasalanan din na nanonood diyan."


Si Sanya ay gaganap na Mila sa Samahan Ng Mga Makasalanan. Ikinuwento ni Sanya ang aabangan sa kaniyang karakter sa pelikula.

"Ako dito si Mila, tawag sa kaniya 'tukso ng bayan.' Magkakaalaman dito sa pelikula. Isa rin ako sa tutulong kay Deacon Sam na si David Licauco. Tutulong sa kaniyang misyon na maiayos ang mga makasalanan o tutulungan na maging parte na maging makasalanan."

Inilahad ni Sanya na refreshing ang paggawa ng Samahan Ng Mga Makasalanan mula sa kaniyang huling proyekto na Pulang Araw. Napanood sa Pulang Araw ang mahusay na pagganap ni Sanya bilang Teresita.

Ani Sanya, "It's refreshing para sa akin kasi coming from Pulang Araw na sobrang bigat ng mga eksena, ang sakit sa puso kung paano gawin, sobrang physically and emotionally demanding. Itong Samahan Ng Mga Makasalanan para kang binawi doon e. ganoon 'yung feeling. It's refreshing."

Dugtong pa ni Sanya ay masaya siya na naka-bonding ang cast ng Samahan Ng Mga Makasalanan. Mapapanood din sa Samahan Ng Mga Makasalanan ang mga nakasama ni Sanya sa Kapuso Artistambayan na sina Jay Ortega, David Domanais o Tito Abdul, Christian Kimp-Atip o Tito Marsy, at marami pang iba.

"Nakasama ko ang mga taong ito na sobrang ibinibigay lang sa'yo is 'yung positive, masaya lang lagi sa set. Ang gaan lang, parang di mo nafi-feel na nagwo-work ka."

Abangan si Sanya bilang Mila sa Samahan Ng Mga Makasalanan. Mapapanood ang Samahan Ng Mga Makasalanan sa mga sinehan sa April 19, directed Benedict Mique and written by Aya Anunciacion and Benedict Mique.