GMA Logo Bride and groom in KMJS
What's Hot

KMJS: Bride, ginayuma raw ang kanyang groom?

By Bianca Geli
Published March 17, 2025 1:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Bride and groom in KMJS


Isang bride mula sa Cagayan de Oro City, naudlot ang kasal dahil diumano'y ginayuma lamang ang kanyang groom?

Isang kasalan sa Cagayan de Oro City, hindi natuloy dahil diumano napilitan lang ang groom?

Araw na ng kasal ng magkasintahan mula sa Cagayan de Oro City nang naudlot ang kanilang pag-iisang dibdib.

Tumanggi raw ang groom-to-be na matuloy ang kasal, at may mga pulis pang dumating!

Diumano, scammer at gumamit pa ng gayuma ang bride-to-be, kaya raw napilitan itong pumayag sa kasal, ngunit nahimasmasan na siya bago pa man matuloy ang mismong kasal.

Paliwanag naman ni bride-to-be sa panayam ng Kapuso Mo, Jessica Soho nagkakilala raw sila sa isang dating app ng kanyang groom-to-be noong 2024, at dito nagsimula ang lahat.

Kwento ni bride-to-be na si "Riri," "Casual lang talaga dapat 'yung date namin, kwento-kwento lang. [Pero,] may nangyari sa amin."

Kinabukasan, niyaya raw muli ni Riri si "JM" na lumabas ngunit hindi na raw ito nagpakita pa.

Matapos ang ilang buwan, nitong Disyembre, nalaman diumano ni "Riri" na buntis daw siya at si JM lamang ang posibleng maging ama.

Nang ipaalam niya kay JM ang kanyang sitwasyon, nagkasundo raw sila na pananagutan nilang parehas ang pagbubuntis ni Riri.

Kalaunan ay nagkarelasyon na ang dalawa at makalipas lang ang halos isang buwan mula ng sila'y muling magkita, si JM, agad daw nag-propose ng kasal.

Kwento ni Riri, "Pagkagising niya ng umaga, sabi niya, 'Magpapakasal tayo.' Noong Saturday, March 8, nag-meet up kami ng [wedding] coordinator."

Ngunit ang plano nilang kasal, hindi natuloy noong mismong araw ng kasal?

Alamin ang buong istorya sa Kapuso Mo, Jessica Soho: