Showbiz News

Sino ang miss nina Boy II at Diego?

BY AEDRIANNE ACAR


Sa labinsiyam na taong nasa himpapawid ang multi-awarded comedy gag show na Bubble Gang, hindi na mabilang ang mga artistang naging parte ng show.

Sa pagdaan ng panahon, ilan sa kanila ang kinailangan lisanin ang programa. Ngunit, umalis man sila sa Bubble Gang, hindi pa rin malilimutan ang kanilang mga naging kontribusyon. Kaya  naman tinanong namin ang dalawa sa veterans ng show na sina Diego at Boy II Quizon kung sino-sino ba sa mga dating cast ang pinaka-namimiss na nila.

Diego

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

“Siyempre ‘yung mga friends ko kasi iba 'yung naging samahan namin, ‘yung naging friendship 'di ba? Si Assunta de Rossi at saka si Diana Zubiri and siyempre si Ogie Alcasid. Pero yung kay Assunta kasi iba 'yung pagiging friends namin.”

Boy II Quizon

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Hinahanap naman ng apo ng King of comedy, the late Dolphy, ang company ng long-time Kapuso talent na si Ogie Alcasid na isa sa mga original cast ng show.

Siya daw ‘yung pinakanamimiss ni Boy2 dahil sa patok nilang segment na Boy Pick-up dati.

“Ogie [Alcasid] di ba? Of course he’s not around anymore, but then again he is always [a] pioneer, so [he's] always gonna be part of Bubble Gang whatever happens.”

Paniwala ni Boy II, tinangkilik ng mga manonood ang segment nila na ‘yun dahil nakakarelate ang mga Kapuso at bukod pa diyan witty din ang mga hirit ni Boy Pick-up.

“Yung idea lang na papasok si Boy Pick-up, pero bago pumasok si Boy Pick-up may nangyayari [na] parang kanya-kanyang representation of their own cheezy line and kung paano mo idedeliver.

"Doon kami nag-start na we were able to identify that kind of character na gusto naming ma-achieve and I do believe when it was running, people really [are] naka-relate.”