Showbiz News

Ha Ji Won: The face of Korean epic drama

By AEDRIANNE ACAR

 
Tapos na ang inyong paghihintay mga Kapuso dahil ang epic Korean drama ng taon ay mapapanood niyo na mula Lunes hanggang Huwebes sa GMA Telebabad, ang Empress Ki.
 
Kilalanin ang pangunahing karakter ng Empress Ki na si Seung Nyang played by South Korea’s A-list actress Ha Ji Won. 
 
Ipinanganak si Ji Won noong June 1979 sa Seoul, South Korea at siya ay nag-aral sa Dankook University. Pinasok niya ang mundo ng showbiz in 1996 kung saan nagkaroon siya ng minor role sa isang television show. 
 
Sumikat at nakilala nang husto si Ji Won sa isa pang period action drama na Damo na pinalabas sa QTV noong 2006.
 
Hinangaan din siya sa kanyang pagganap sa isang historical drama na ipinalabas sa Kapuso network noong 2007, ang Hwang Jini. Humakot siya ng parangal, hindi lamang sa Korea kundi pati rin sa ibang bansa. 
 
Napamahal sa Korean televiewers si Ji Won dahil sa kanyang versatility. Mapa-drama, comedy o action, kaya niyang gawin.  
 
Pinakilig rin niya ang milyun-milyong Pilipino nang ipalabas sa GMA Telebabad ang Korean romcom series na Secret Garden noong 2011. Patok ang tambalan nila ni My Name is Kim Sam Soon actor Hyun Bin. 
 
Tinangkilik ng mga Kapuso ang love-hate relationship nina Jamie at Owen, making it one of the highest rating television shows ng taong ‘yun. 
 
So if you want to see more of Ha Ji Won, panoorin sa GMA Telebabad ang Empress Ki, Monday to Thursday after Bet ng Bayan