
Masayang nakipag-bonding at nakipagkuwentuhan ang Pinoy Big Brother Season 1 Big Winner na si Nene Tamayo sa Kapuso hosts na sina Lyn Ching at Kaloy Tingcungco.
Sa pagbisita niya sa studio ng Unang Hirit nitong Biyernes, March 21, inilarawan siya nina Lyn at Kaloy si Nene habang ipinapakilala siya sa viewers.
Sabi ng Kapuso hosts, “Isa siya sa mga OG, as in OG talaga na housemate ni Kuya. Super OG kasi siya ang first-ever Big Winner ng Pinoy Big Brother.”
“Siya ay matikas kaya naman binansagan siyang Kumander,” dagdag pa nila.
Habang ongoing ang kanilang kitchen kuwentuhan, napag-usapan nina Nene, Lyn, at Kaloy ang pinakabagong collaboration project ng GMA at ABS-CBN na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Game na game ding sinagot ni Nene ang tanong ng mga Kapuso kung ano ang sikreto para maging isang Big Winner sa teleserye ng totoong buhay.
Pahayag niya, “Just be the best version of yourself. You can be yourself pero minsan hindi ka ano… so 'yung best version of yourself [dapat].”
Bukod dito, ibinahagi ni Nene na abala siya ngayon sa kaniyang culinary class at excited siya dahil malapit na siyang maging isang pastry chef.
Samantala, inilahad ni Nene kung paano nabago ng pagkapanalo niya sa Pinoy Big Brother ang kaniyang buhay.
“Sobrang it's a blessing to be the first housemate ng Pinoy Big Brother kasi it changed my life na sobrang maraming advantage talaga… It gave me an opportunity to realize my dream… gusto ko kasi talagang mag-negosyo,” paglalahad niya.
Ayon pa kay Nene, ginamit niya ang kaniyang napanalunan sa pagbubukas ng sarili niyang business, “Nung nakita ko 'yung audition ng PBB na may one million cash prize, sabi ko, pwedeng-pwede, kapag nanalo ako may capital na ako sa business, ayun.”
Samantala, mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.