Showbiz News

Eula Valdez, humahanga kay Alden Richards

By MICHELLE CALIGAN

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
First time maging co-star ni Eula Valdez si Alden Richards sa BayaniSeryeng Ilustrado, at kahit ngayon lang sila nagkatrabaho ay humahanga na ang versatile actress sa husay at professionalism ng batang aktor.
 
"May mga araw na sa iisang tent lang kami magkakasama, siyempre inoobserbahan ko siya. Tinitingnan ko, wini-weigh ko kung tatagal ba 'tong batang 'to o hindi. Ang napansin ko sa kanya, napaka-cool na bata. Kahit gaano katagal siya maghihintay, okay lang sa kanya. Alam mong medyo may negative na siyang nararamdaman pero hindi niya pinapakita unless mapag-usapan," kuwento ni Eula sa entertainment press during the show's press conference.
 
Bago pa man daw sila magsama sa Ilustrado ay nakita na ni Eula ang pagiging effective actor ni Alden sa pelikulang The Road.
 
"Kasi kapag nanonood ako ng TV late at night, mahilig ako sa mga nakakatakot. Kaya noong mapanood ko, [sabi ko], 'Alden, ikaw ba 'yung pumapatay doon sa The Road?' Sabi niya, 'Opo, bata pa po ako doon.' Bagay sa kanya ang role kasi hindi dead giveaway [na siya ang killer] kasi ambait-bait ng itsura tapos ganoon ang ugali. Very effective siya."
 
Dagdag pa ng aktres, "Very pleasant siya, maganda ang attitude niya towards work, sobrang tiyaga, and seryoso siya. Pati 'yung technical side ay inuusisa niya. So alam mong hindi lang humihinto sa pag-aartista ang gusto niyang mangyari sa buhay niya."
 
Hindi maiiwasan na may makakatrabaho silang hindi nagbibigay sa isang eksena, kaya masuwerte daw si Eula na hindi ganoon si Alden. "May mga eksena kasi kaming medyo mabigat, wala kang maririnig sa kanya katulad ng ibang baguhan na 'Uy kinakabahan ako'. Siya hindi, very open siya. Para din siyang sponge na kapag game na, ambilis at hindi lang 'yung nagpapaluha. May karga siya."
 
Bukod sa pagiging isang magaling na artista, may isang katangian pa si Alden na nagustuhan si Eula. 
 
"Isa pang gusto ko sa kanya, very loving siya sa family niya. Importante 'yun. Doon din malalaman mo kung anong klaseng tao siya."