GMA Logo Widows War, Bea Alonzo, Carla Abellana
What's Hot

'Widows' War' coming to Netflix in April

By EJ Chua
Published March 27, 2025 10:00 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Alex Eala cheered on by Gauff, Mboko after SEA Games run
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City

Article Inside Page


Showbiz News

Widows War, Bea Alonzo, Carla Abellana


Malapit nang ipalabas ang hit murder mystery drama na 'Widows' War' sa Netflix Philippines!

Mas maraming manonood na ang makakakilala sa Palacios family, ang pamilyang kinabibilangan nina Sam (Bea Alonzo) at George (Carla Abellana).

Matapos ang pagpapalabas ng Widows' War sa Philippine television, magiging available na ang bawat episode nito sa Netflix Philippines ngayong taon.

RELATED CONTENT: Kulitan moments ng 'Widows' War' stars

Mapapanood ang hit murder mystery drama sa sikat na online streaming platform simula April 16.

Ang Widows' War ay tungkol sa magkaibigan na sina Sam at George na susubukin ng komplikado at matitinding mga problema sa buhay.

Mula sa kanilang pagkakaibigan, magkakaroon sila ng hindi pagkakaunawaan hanggang sa muling magkakalapit ang kanilang mga landas dahil sa kanilang mga minamahal na parehong miyembro ng pamilya Palacios.

Samantala, bukod sa A-list Kapuso actresses na sina Bea at Carla, mapapanood din dito sina Tonton Gutierrez, Jeric Gonzales, Jackie Lou Blanco, Lito Pimentel, Timmy Cruz, Rita Daniela, Royce Cabrera, Jean Garcia, at marami pang iba.

Ano kaya ang magiging role nila sa buhay nina Sam at George?

Sino sa kanila ang kalaban at sino naman ang tunay na kakampi?

Huwag palampasin ang nalalapit na pagpapalabas ng murder mystery drama na Widows' War sa Netflix.