GMA Logo Alden Richards
What's Hot

Alden Richards on joining politics: 'Ayaw ko po'

By Nherz Almo
Published March 31, 2025 12:49 PM PHT
Updated March 31, 2025 1:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Alden Richards


Ayon kay Alden Richards, marami na siyang tinanggihang offer para pasukin ang pulitika.

Mariin ang pagtanggi ni Alden Richards ng tanungin kung may plano siyang pasukin ang pulitika.

“There has been offers po for me to run. But for me, at this point in my life, I respectfully decline po,” pag-amin ng actor-entrepreneur nang makausap siya ng entertainment media, kabilang ang GMANetwork.com. Ito ay matapos siyang pumirma ng business partnership deal sa Viva Inc. noong Huwebes, March 27.

Katulad ng mga dati niyang naging pahayag, naniniwala ang 33-year-old actor na hindi niya kailangang maging isang pulitiko para makatulong sa mga nangangailangan.

Aniya, “Lagi ko pong sinasabi even though there's a lot of clamor for me running for politics, I can help people without being part of the government. It's not because ayaw ko siya dahil mayroon akong mga hindi maganda about the system. It's not about that.

“The platform that I have right now is more than enough to reach out to people who are in need.”

Sa ngayon, gusto lang daw ni Alden na mag-focus sa kanyang mga ginagawa, lalo na sa labas ng showbiz. Kabilang na rito ang kanyang production company na Myriad Entertainment at kanyang AR Foundation.

“Masaya po ako dito, nama-maximize ko po ang pagtulong. At the same time, nagagawa ko rin po ang mga bagay na gusto ko. If the question is running for politics, for now, ayaw ko po.”

Biro ng press kay Alden, “For now?”

Agad namang nilinaw ng aktor, “Baka po for good.”

Alden as a business man

Samantala, hindi naman makapaniwala si Alden sa business partnership sa pagitan ng kanyang kumpanyang Myriad Entertainment at Viva Group of Companies.

Ang naturang partnership ay hindi lamang tungkol sa entertainment. Isa sa mga magiging bunga ng pagsasanib-puwersa nito ay ang pagpapalago pa ng Filipino restaurant ni Alden, ang Concha's.

“Medyo surreal sa akin,” sabi ni Asia's Multimedia Star.

Patuloy pa niya, “I'm very proud of all the things na nangyayari ngayon with my life. I'm just too grateful with the journey that I had in this industry. All of these things contributed to who I am right now. Ako, masasabi ko, pinalakas ako ng panahon, pinatatag ako ng panahon. I'm here to stay regardless of what will happen. But I'm excited of what's ahead.”

Tingnan ang ilang mga kaganapan sa pagpirma ng kontrata ni Alden at ng Viva Inc. executives dito: