GMA Logo Alden Richards
Image Source: myriadcorp01 (Instagram)
Celebrity Life

Alden Richards, pinuri dahil sa galing sa negosyo

By Marah Ruiz
Published October 31, 2024 7:07 PM PHT
Updated November 1, 2024 2:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Alden Richards


Nakatanggap ng papuri si Alden Richards dahil sa husay niya sa negosyo at investments.

Hindi lang artista kundi isang businessman din si Asia's Multimedia Star Alden Richards.

Ayon sa digital magazine na PinoyEntrep Insider, mahusay ang naging investments at negosyong pinasok ni Alden.

Hinimay nila ang "unseen journey" ni Alden mula sa pagiging artista hanggang sa pagiging negosyante.

Tila kumpletos rekados kasi ang investments ng aktor sa iba't iba niyang mga negosyo.

Niyakap at patuloy na pinapahalagahan ni Alden ang culinatry heritage ng Pilipinas pag-invest niya sa Concha's Garden Cafe, habang stability naman ang hatid sa kanya ng pagpa-franchise niya ng McDonald's sa Biñan, Laguna.

Nagbubukas din siya ng iba't ibang oportunidad para sa Pinoy talent sa larangan ng concerts, pelikula, telebisyon, at e-sports sa pagtatayo niya ng kanyang multimedia company na Myriad Corporation.

Mag-iiwan naman ng magandag legacy at positibong pagbabago si Alden sa pamamagitan ng AR Foundation na nagbibigay ng scholarships at financial aid sa mga kabataang nangangailangan.

"For @aldenrichards02, entrepreneurship isn't about status--it's about service. His journey reflects the resilience and generosity of the Filipino spirit," saad ng PinoyEntrep Insider.

A post shared by PinoyEntrep Insider (@pinoyentrepinsider)

Samantala, abala rin si Alden sa kanyang bagong pelikula na Hello, Love, Again, kung saan muli niyang makakatambal ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo.

Bahagi rin si Alden ng GMA Prime wartime drama series na Pulang Araw kung saan gumaganap siya bilang Eduardo, isang Filipino guerilla fighter.

Image Source: aldenrichards02 (Instagram)



Patuloy na panoorin ang lalong lumalalim ng kuwento ng Pulang Araw, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

Maaari rin itong panoorin online sa Kapuso Stream.

Panoorin din ang same-day replay sa GTV, 9:40 p.m.