GMA Logo Ashley Ortega eviction from PBB house
source: ashleyortega/IG
What's Hot

Ashley Ortega, itinuturing na 'life-changing' ang pagpasok sa Bahay ni Kuya

By Kristian Eric Javier
Published March 31, 2025 2:57 PM PHT
Updated March 31, 2025 4:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Chile votes in presidential race expected to lurch country to the right
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Ortega eviction from PBB house


Hindi pa rin umano nagsi-sink in kay Ashley Ortega ang lahat ng nangyari sa Bahay ni Kuya.

Life-changing kung ituring ni Kapuso actress Ashley Ortega ang pagpasok niya sa Bahay ni Kuya nang maging parte siya ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition.

Matatandaan na nitong nakaraang eviction night noong Sabado, March 29, ay lumabas na sa Bahay ni Kuya si Ashley, kasama ang Kapamilya Duo niya na si AC Bonifacio.

Sa panayam kay Ashley ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras Weekend nitong Lingo, March 30, inamin ng aktres kung papaano naging life-changing para s kaniya ang pagpasok sa Bahay ni Kuya.

“Sobrang life-changing niya to the point na hanggang ngayon medyo sabaw pa rin ako at medyo hindi pa rin nakaka-sink in lahat ng nangyayari. Natatakot din ako, I mean kung ano'ng nangyayari dito sa outside world, pero siyempre, I'm grateful and I'm happy Alyssa's here, my sister,” sabi ng aktres.

Aminado rin si Ashley sa ngayon ay hindi pa rin nagsi-sink in ang mga nangyari, at sinabi ng nabigla rin siya at nalungkot sa pagkaka-evict nila ni AC. Ngunit aniya, “Pero siyempre, at the end of the day, kailangan kong tanggapin na this is a game.”

“Pero whatever [happened] inside the house naman, I will cherish everything. Laban lang,” pagpapatuloy ni Ashley.

RELATED CONTENT: BALIKAN ANG SPARKLING CAREER HIGHLIGHTS NI ASHLEY SA GALLERY NA ITO:

Ibinahagi rin ni Ashley Ortega kabilang sa mga kailangan pa niyang iproseso ngayon ay ang mga nangyari sa loob ng bahay, at ang halo-halong emosyon niya sa loob ng tatlong linggo na pananatili dito.

“Sa tagal ko sa industriya, first time ko lang talaga maging vulnerable sa harap ng maraming tao so medyo feel ko I'm a changed person, tapos medyo hindi ko alam kung anong nararamdaman ko,” sabi ng aktres.

Naging malaki rin ang pasasalamat ni Ashley sa Pinoy Big Brother dahil bago siya ma-evict ay nabigyan siya ng pagkakataon na muling makausap ang kaniyang ina na tatlong taon na niyang hindi nakikita o nakakausap sa pamamagitan ng isang liham.

Sa huli ay pinasalamatan ni Ashley Ortega ang lahat ng sumuporta sa kaniya at sinabing pinapahalagahan niya ang ang bawat isang nagmamahal sa kaniya.

“Hindi ko pa kasi alam kung sino pero thank you, sana po tuloy n'yo pong suportahan ang PBB kasi 'yung mga housemates ko doon, lahat sila matatapang, lahat sila mababait. I realized na they're all different, pero ýung pagsasama namin du'n was really strong,” sabi ng aktres.

Panoorin ang panayam kay Ashley Ortega dito: