GMA Logo Dustin Yu and AZ Martinez
Photo source:dustinyuu (IG), _azmartinez (IG)
What's Hot

Dustin Yu, nilinaw ang crush issue kay AZ Martinez

By Karen Juliane Crucillo
Published March 31, 2025 7:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DHSUD includes high-density housing as option in 4PH Program
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Dustin Yu and AZ Martinez


Dustin Yu kay AZ Martinez: "Ako, umiiwas lang ako sa asar-asar."

Hindi na nagpaligoy-ligoy pa ang Sparkle artist at housemate na si Dustin Yu () sa paglilinaw ng mga issue sa pagitan nila ng kaniyang kapwa housemate na si AZ Martinez.

Sa episode ng Pinoy Big Brother Collab Celebrity Edition noong Linggo, March 30, diniretso ni Dustin si AZ tungkol sa tensyon nilang unti-unting nabubuo sa Bahay ni Kuya na nagmula sa mga pang-aasar hanggang sa kanilang “crush issue.”

Noong mga nakaraang linggo, inamin ni AZ na nagkaroon ito ng “crush” kay Dustin at naikuwento niya rin sa mga housemates na napanaginipan niya ang aktor.

Simula noong ikinuwento ito ni AZ, umiwas na si Dustin dahil kaibigan niya ang boyfriend ni AZ na si Larkin Castor.

"Ako, umiiwas lang ako sa asar-asar kasi hindi ko naman ina-assume na gets mo? Hindi naman ako ganoon. Hindi naman ako sa nag-assume. Iwas lang ako sa kanila Michael, sila Josh, siyempre hindi mo maiwasan mang-asar. So ako, iiwas lang kasi syempre, kilala ko si Larkin," paliwanag ni Dustin.

Sinabi ng aktor na iniisip niya rin ang mararamdaman ng kaniyang kaibigan sa labas dahil napapanood niya ang reality show.

Sagot ni AZ, "Kaya I asked you kung okay ka ba sa asar. Naalala mo 'yung andito tayo? Is it because 'yung pang-aasar, ganon?"

"Hindi naman. Ako lang talaga kapag inaasar ako, matik na tumatahimik ako kasi nahihiya ako. 'Yun lang talaga ang personality ko," sabi ni Dustin.

Ipinaliwanag naman ni AZ na nakikisabay lang ito sa mga pang-aasar ng mga housemates. Ngunit, noong naramdaman niya na hindi naging komportable si Dustin dito, hindi na niya pinatulan pa ang mga pang-aasar.

"Eh ikaw naman kasi kung ano-anong pinagsasabi mo," diretsang sagot ni Dustin habang tumatawa.

"My fault, my fault," nanghingi ng paumanhin si AZ.

Sinabi rin ni AZ na wala itong malisya para sa kaniya. Ngunit, ipinaliwanag ni Dustin na maaaring magkaroon ng ibang interpretasyon ang kaniyang mga sinasabi sa ibang tao.

"Pero at least kung napapanood naman ito ni [Larkin], alam niya na miss mo na siya. At least okay na 'yun. Minsan sa life, ang kailangan nating isipin ay ang present," dagdag ni Dustin.

Samantala, hinangaan naman noon ng mga netizens si Dustin dahil nirespeto niya ang "bro code" noong tinanggihan niya si AZ na ituloy ang kanilang chemistry test.

Maliban sa pagiging green flag, kinilala si Dustin sa loob ng Bahay ni Kuya bilang "The Chinito Boss-Sikap ng Quezon City."

Si AZ naman ay kilala bilang "Ang Miss Sunuring Daughter ng Cebu."

Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.

Kilalanin si Dustin Yu rito: