Showbiz News

Barbie Forteza, palaban na!

By AL KENDRICK NOGUERA
 
 PHOTO BY: ELISA AQUINO, GMANetwork.com
 
Sa mga pro-Diana, matutuwa na kayo dahil unti-unti nang lumalaban ang role ni Kapuso actress Barbie Forteza sa character ni Thea Tolentino na si Ashley sa The Half Sisters.
 
Kung inis na inis kayo dahil hindi lumalaban si Diana sa kapatid, huwag na kayong mag-alala dahil hindi niyo na gugustuhing pumasok sa inyong mga TV para ipagtanggol siya. Siya na kasi mismo ngayon ang magtatanggol sa sarili dahil lahat ng sama ng loob na kinimkim niya ay sumabog na.
 
Malakas na ang loob ni Diana na lumaban kay Ashley dahil alam niyang mali ang kapatid. Sabi nga ni Diana, “Makakaganti rin ako sa ‘yo Ashley.”
 
Kamakailan ay nag-celebrate ang The Half Sisters ng kanilang ika-100 na episode. Dahil dito, nagpapasalamat si Barbie sa viewers dahil sa patuloy ninyong pagsuporta sa show.
 
Panoorin ang video message ni Barbie para sa mga manonood ng The Half Sisters at alamin kung bakit kailangang pang mas tutukan ang Afternoon Prime soap.