
Kinakikiligan ngayon ang Dutiful Judo-son ng Cavite na si Ralph De Leon sa GMA and ABS-CBN's collaboration project na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Sa latest episode ng teleserye ng totoong buhay, nagkaroon ng pagkakataon si Ralph na maka-date ang Kapuso actress na si Sanya Lopez.
Pumasok si Sanya sa loob ng Bahay bilang houseguest at searcher sa isang blind date challenge.
Related gallery: Celebrity houseguests sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
Kasunod ng mga pangyayari, pinag-usapan ng viewers at netizens sa social media ang pagiging gentleman at iba pang kahanga-hangang katangian ni Ralph.
Marami rin ang kinilig sa pananaw niya tungkol sa panliligaw at pakikipagrelasyon, “A relationship has to be formed in-person, with constant communication, with really trying to understand who your partner, or potential partner could be.”
Narito ang reaksyon ng ilang fans ni Ralph:
Samantala, ang Kapuso o Sparkle star na si AZ Martinez ang ka-duo ngayon ni Ralph.
Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.