
Magkakapatid sa Davao del Norte, kinagigiliwan dahil sa pagiging malaking bulas?
Ayon sa Kapuso Mo, Jessica Soho, ang magkakapatid na sina James, Sayson, at Biboy mula Davao del Norte, namumutok ang mga braso, namimintog ang mga pisngi, at siksik na siksik ang mga binti.
Ang kanilang pangangatawan, marami ang nakukyutan. Pero may ilan ding nababahala.
Senyales ba ito na malusog sila o mayroon silang mabigat na problema?
Ayon sa kanilang ina na si Maricel, labis ang pangangamba niya para sa mga anak. "Paano na ang mga anak ko kung may sakit? Wala akong ibang maaasahan at wala akong pamasahe papuntang ospital.
"Gusto ko rin sana maging normal ang mga anak ko."
Lima, apat, at isang taong gulang pa lamang ang tatlong magkakapatid.
Nang sinuri ng isang doktor, napag-alaman na sobra nga sa timbang ang tatlong bata at malaki ang pagkakalayo nila sa normal na timbang para sa kanilang edad.
Para sa mga nais tumulong maaaring magdeposito sa:
LANDBANK - KAPALONG AGRI HUB
ACCOUNT NAME: MARICEL LAMUGAY MANUPONG
ACCOUNT NUMBER: 6756-0234-44
Alamin ang kanilang kalagayan sa KMJS: